Thursday, December 27, 2012

Kalampag sa Papag 9



Chapter 9 [ Anino ]



Hi sa mga Sumusubaybay ng Story kong Kalampag sa Papag. Sa mga Avid readers ng story ko.
Maraming Salamat sa walang sawang Pagsuporta haha! Kahit mga Silent reader lang kayo..
Ito na ang Chapter 9 ng Story ko. :)) Sana hanggang Matapos ang Story ng Kalampag sa Papag
Suportahan niyo parin ang mga Kalampag sa Papag :))
Ok. lets proceed to the Story



========================================================================







Kasabay ng pagsabog ng sasakyan nila michael ang pag kulog ng napakalakas.
Sa Sobrang lakas ng kulog. biglang nawalan ng Kuryente ang Condo Unit ni Aby na siyang
ikinagulat ng dalawa. Napasigaw nanaman si Aby sa nangyari. Nagdilim ang buong unit. tanging
buhos ng ulan nalang ang naririnig nila ng mga sandaling iyon.
"Poy?" tawag ni Aby.
Kumikidlat
Lumakas ang hangin. Ramdam ni Aby ang Malamig na hangin na nang gagaling sa terrace. Bukas
ang Sliding door papuntang Terrace, sa sobrang lakas ng hangin nililipad ang kurtina sa sliding door.
Kumidlat
"Poy? nasaan ka" Nanginginig na sabi ni Aby.
"Poy? wala namang ganyanan natatakot na ko.
Kumikidlat at lumalakas ang hangin.
Dahang dahang lumalapit si Aby papuntang terrace.
Kumidlat nanaman.
sa pagkakataon na yon may aninong lumitaw sa kurtina may tao.
pero hindi makita ni Aby kung sino ang nasa likod ng kurtina dahil tanging ang anino lang nito
ang nakikita niya.
sa bawat kidlat tanging ang anino lang ng taong iyon ang nakikita ni Aby.
sa muling pag kidlat mistulang nakatayo ng diretso nalang ang anino at wariy nakaharap ito sa
kanya. 
"Je-je-jepoy? ikaw ba yan?" takot na sabi ni Aby
Dahan Dahan lumalapit si Aby sa terrace.
Kumidlat nanaman at sa pagkakataon na yun nakataas na ang kamay ng anino pero sa itsura nito
may hawak na itong matulis na bagay.
Sa sobrang gulat ni Aby sa nakita ito ay bumagsak sa kinatatayuan, nahimatay, nawalan ng malay.
Ilang minuto lang.
"aby??" Katok ni kring sa pinto ng condo ni Aby.
walang sumasagot.  aakmang kakatok na sana ulit si kring ng kusang numukas ang pinto
ng condo ni Aby.
Madilim. dahil nawalan ng ilaw ang buong condo unit ni Aby.
dahang dahang pumasok si kring sa loob.
ramdam pa rin ang malakas na hangin galing sa terrace.
Sa muling paghakbang ni kring naramdaman niyang may natapakan siyang tubig.
Laking gulat ni kring ng makita niyang nakahilata na si Aby sa sala, walang malay.
ng lapitan ni kring si Aby nadulas siya at bumagsak sa sahig. 
Biglang Kumidlat. 
Sa pagkidlat naaninag ni kring ang tubig kung saan siya bumagsak.
Nagulat si kring dahil ang tubig palang kinabagsakan niya ay dugo. 
Agad niyang pinuntahan si Aby na nakahiga.
"Aby! anung nangyari sayo? Nasan si Jepoy?" Takot na sinabi ni kring
Sa muling pag kidlat Lumitaw nanaman ang Anino sa Terrace.
Napalingon si Kring sa Terrace.
"Sinu ka?!!" Sigaw ni nito
"Magsalita ka sino ka!!?" Takot na sigaw ni kring
Tumayo si kring at dahang dahang lumapit sa terrace. Natatakot a Kinakabahan.
Ilang hakbang nalang mahahawaka na niya ang kurtina.
BIgla nya itong hinawi at laking gulat niya ng makita niyang si jepoy ang anino sa likod ng kurtina.
Nakabigti ito. Dahil sa pagkakabigti nito halos ang buong mata nito ay pula na. 
May Kutsilyong na nakabaon sa dibdib nito.
sa sobrang takot ni Kring nag sisigaw ito na umalis sa condo unit ni Aby. 
Sa Pagkakataon na ito. Hindi lang ang mga studyante ang nabibiktima ng pagpatay.
pati ang mga kaibigan ni kring isa isa ng pinapatay.
Sino kaya ang Pumapatay? May kinalaman ba ito sa mga paniginip ni Kring at sa mga pagpaparamdam sa kanya. May kinalaman ba dito ang mga nakikita ni Michiko na kung ano ano.
Sino pa  kaya ang Madadamay? Sino pa kaya Mamamatay?

No comments: