Thursday, December 27, 2012

Kalampag sa Papag 11



Chapter 11 [ Ala-ala ]





Sa lahat ng sumusubaybay keep in touch lang para malaman niyo ang twist ng Story hehe :D Siguro may mangilan ngilan na sa inyo na alam na o na prepredict na ang magiging tapos ng Story haha! :D Game!!!!!
 back to the story Again.
=========================================================





Nagising si Michiko mula sa pagkakatulog. Humihingal at pawis na pawis. Napaupo mula sa pagkakahiga. Nagpunas 
ng pawis at napaisip.
"Si Kring..." Sabi ni Michiko sa sarili... "kelangan niya ng tulong..."
Napalingon si Mich sa Cellphone niya na nakapatong sa ibabaw ng drawer katabi lang ng kanyang higaan. Agad niya 
itong  kinuha at tinawagan sila Pau at Jane.
"Hello Pau!... " Wika ni Mich. "Hello Mich napatawag ka. Girl its already late eve na and Im in the middle of my Sleeping 
Yoga" wika ni Pau sa kabilang linya at mukang nairita sa Pagkakatawag ni mich dahil sa biglaan niyang pagkagising. 
"So whats the problem?... Dont say na May Nakita ka nanaman na kung ano ano sa isip mo.." Dugtong ni Pau..
"Oo Pau! Meron Pau! And I Saw it! With my two eyes! It feels like Im in that Scene. Pau kailangan ni Kring ng Tulong.. 
Nasa Condo siya ni Aby Ngayon." 
 "Pero Mich... Bakit ba kailangan mong gawin to? Bakit mo kailangan silang tulungan? Mich may sarili kang buhay. 
Tayo.Sila. Were not.. I mean You.. Your not actually part of her life so dapat itigil mo na yang kakaisip ng mga ganyang 
bagay mich" Paliwanag ni Pau kay michiko.
"Pero Pau lahat ng nangyayari sa buhay natin ay may kahulugan.. Kaya ganto ang nangyayari sakin dahil may mga 
taong dapat bigyan ng tulong. Bakit ako nakakakita ng mga ganung pangyayare sa isip ko? alam mo Pau hindi ako 
malalagay sa ayos hanggang patuloy akong may nakikitang mga ganung bagay Basta magkita tayo sa Lobby ng Condo 
ni Aby..." 
"Pe-Pero Mich"
"Kung ayaw mo Pau Ok lang Basta kailangan na tong Matapos.. Pupunta ako kahit ako lang magisa bye".. tut-tut-tut
"Haaaaay! Lintek naman oh! Buhay nga naman oh!" Nasambit nalang ni Pau sa sarili.
"Hello?? Alam ko na kung bakit ka napatawag Nagtext na sakin si Michiko. Anu ba kasing Nangyayari dun. Alamo Pau 
sobrang Nawiwirduhan na ko sa nangyayari sa babaeng yun ah" Wika ni Jane sa Kabilang Linya.
"Oo nga friend kahit ako windang na windang na ko sa mga pinag gagawa nun. Wala naman tayong magagawa 
alangan naman pabayaan lang natin magisa yun. Sige na magkita tayo sa Lobby ng condo daw ni Aby. Bye" sagot ni 
Pau.
Nag ayos si Michiko, Nag palit ng damit.. Kinuha ang pouch bag na nakalagay sa ibabaw ng study table, inilagay ang 
cellphone doon at umalis na ito ng bahay. Agad pumara si Mich ng Taxi at pumunta na ito sa Condo ni Aby.
 Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Umalingaw-ngaw ang sigaw ni Kring sa Buong Kapaligiran. Nag-iba 
nanaman ang buong kapaligiran Kulay Sepia ang Buong Paligid kung ihahalintulad mo ito sa itsura ng isang litrato. 
Nakatayo si Kring at kaharap ang Isang Malaking Bahay.. May dalawang batang babaeng nagtatakbuhan.
"Cham Meryenda muna kayo dito." Tawag ng Isang babae na lumabas galing sa pintuan ng bahay.
"Ate tara tawag na tayo ni Mama.." wika ni cham sa kapatid habang nagaayos ng mga gamit nilang laruan.
"Anong Tayo?!! Ikaw lang kaya ang Tinawag kaya wag mo ko yayain. Pumasok ka na nga doon" sagot ng isang bata..
Nagiba ang paligid. Napunta si Kring sa isang Ospital. Kulay black and white ang buong paligid.
"Mam this is the result of the Lab test. Base sa Result po. Mababa po ang Mga buhay na Semilya ng asawa po ninyo 
Kaya maliit po ang Chance na magkaroon po kayo ng anak, Magkaroon man kayo eh Sobrang swerte niyo na po pag 
ganun" Sabi ng Doctor sa Mag-asawa.
Nagiba nanaman ang Lugar nakatayo nanaman siya sa tapat ng malaking bahay.
"Ate tara na pasok na tayo..." Pagpupumilit ni chamine. Hinawakan niya ang Kamay ng kausap pero pumiglas ito.
"Wag mo nga akong hawakan! Kung Gusto pumasok ikaw nalang! Umalis ka na nga" sigaw ng kausap nito.
Umiyak si Chamine
"Ate bakit ba lagi mo nalang akong inaaway.. Gusto ko bati lang tayo palagi. Ayokong Magkaaway tayo" humihikbing 
sinabi ni Cham.
 "Ewan ko sayo! Pwede ba tumigil ka na sa kakaiyak! nakakarinidi na boses mo lagi ka nalang umiiyak! hay! makaalis 
na nga dito". Pasigaw na sinabi ng kausap ni Cham. Umalis ito at pumasok na sa bahay.
Nag-iba nanaman ang Lugar pero ngayon nakatayo na siya sa isang simpleng bahay na lang.
Makakulimlim ang panahon na yun. Mukang uulan ng malakas. Malakas ang hangin. Nagliliparan ang mga tuyong 
dahon na galing sa puno ng mangga sa tabi ng bahay. Pamilyar si Kring sa Bahay na yun. Inaaninag niya ng mabuti 
ang itsura ng bahay. May lumabas na babae mula sa pintuan ng bahay at doon sigurado na siya na kilala na niya ang 
babaeng lumabas sa pinto ng bahay. Oo kilala niya. 
"Mama..." nabanggit ni kring sa sarili..
 Lumabas ang Babae sa bahay na may dalang Basket. Nagpunta sa sampayan para kuhain ang mga natuyong damit. 
Sa sobrang lakas ng hangin di magkanda ugaga ang babae na hawakan ang mga damit at ilagay sa basket. 
Di Lubos maisip ni kring kung anong nangyayari sa kanya sa mga sandaling yon. Para siyang Nakulong sa loob ng 
isang time warp na lumilipat lipat ng destinasyon, Panahon at pangyayari. May mga pangyayaring nakaka relate siya 
pero may ibang pangyayari naman na nagkakaroon siya ng mga munting katanungan. Kung Bakit? Sino? Ano? ang 
mga pangyayare na yun na nakikita niya.
Muling nagiba ang lugar. Nakatayo nanaman siya sa tapat ng Malaking bahay. Pero sa pagkakataon na yun. Si cham 
nalang ang natira sa labas ng bahay dahil nakapasok na sa loob yung babaeng kausap nito. Tinangka ni kring lapitan 
ang bata para kausapin.
"Bata.." tawag ni kring. 
Nakatalikod ang bata at umiiyak. Tinangka ni Kring hawakan ang Balikat ng Bata ng biglang humarap ito sa kanya 
Umiiyak ng dugo pero wala ng mata. Ngumiti ito kay kring at Nagsalita pero malalim ang boses.
"Mamamatay silang lahat! Mamamatay sila! at Ikaw ang may Dahilan ng pagkatamay nila. Ikaw ang dahilan"
Nagulat si Kring sa nakita. kayat napaatras ito. Nag-iba nanaman ang Paligid. Bumalik sa simpleng bahay pero 
nagwawalis na ang babae sa bakuran. Habang nagwawalis siya may narinig itong umiiyak na bata. Hinanap  niya kung 
san nanggagaling ang iyak. Hanggang sa makarating ito sa harapan ng gate. May karton na nakalagay sa tapat ng 
Gate. Nakumpirma niya na doon nanggagaling ang iyak. Walang anu anoy binuksan  ng babae ang karton at nakita ang 
isang sanggol na batang babae na nakabalot sa kumot.
"Pa! Pa!..." Sigaw ng babae habang kinukuha ang sanggol sa karton. Nang makarga ng babae ang sanggol. Lumingon 
lingon muna ito sa paligid nagmamasid kung may nakakita sa kanya at tsaka pumasok na sa loob ng bahay.
Nabuo sa utak ni Kring ang mga tanong na. Sino ang batang yon? Ampon ba ko? Sino si Chamine? Meron ba kong 
Kapatid na babae? Si Louie lang ba ang Kapatid ko?.
Biglang dumilim ang buong paligid..Bumukas ang isang ilaw sa harapan ni Kring at tumambad sa kanya ang isang 
Papag na puno ng Tunog. Animoy nawala sa sarili si Kring sa nakita, tulala at naluluha hinawakan ni kring ang kanyang 
ulo at umiiling iling, napaatras ng kaunti, yumuko at tinakpan ang muka. Ibang sakit ang naramdaman ni Kring ng 
makita ang papag na puro duguan, sa muling pagtingin ni Kring ay tumambad sa kanya ang mga katawan ng mga 
kaklase niya, Si Lissa na duguan ang Uniform, Si Jommel na Basag ang Bungo ng ulo, Si Kel, Trixie at Jc na duguan 
ang buong katawan, si Aby na may saksak sa leeg at si Jepoy na nakabigti, lahat sila ay nakatingin kay Kring at 
Nakangiti.
"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!" 
"Kring! Kring! gumising ka!" 
Hawak ni Klein si Kring sa dalawang balikat at pilit na ginigising..
"Kring Gumising ka!" 
Napadilat si Kring at  pawis na pawis, Pinunasan ni Klein ang nangingilid na luha ni Kring.
"Anong Nangyayari sayo? Bakit ka nandito sa Fire Exit?" Pagtatakang tanong ni klein..
"Lahat sila mamatay.. Lahat sila mamatay.."
tulalang sinasabi ni Kring, Nang Biglang tumingin ito sa mata ni Klein at nangingilid ang mga luha..
"Anong pinagsasabi mo? hindi kita maintindihan?"
"Wag mo ko iwan Klein.. Wag mo ko iwan"
Napayakap si Kring kay Klein ng sobrang higpit at tuluyan ng Bumagsak ang mga luha nito. Hinaplos ni Klein ang likod 
ni Kring..
"Wag ka mag alala pinapangako ko sayo di kita iiwan dito lang ako."
Tumayo na sila . Inalalayan ni Klein si Kring sa pagtayo at bumaba na. Nakarating sila ng lobby at dumiretso na kung 
saan naka park ang kotse ni Klein. Ilang minuto palang ang nakakalipas, dumating si Michiko sakay ng isang taxi, 
pumasok si michiko sa lobby ng condo at dumiretso sa reception area
"Yes Ma'am , Ano pong kailangan nila?" tanong ng isang receptionist na nakatayo malapit sa isang telepono
" Anong number po ba ang unit ni Ms. Aby Bernadino?" tanong ni mich
Nakaramdam ng pagkahilo si Michiko pagkatapos masambit ang sagot sa tanong ng receptionist, Nagdilim ang 
paningin ni Michiko at tuluyan itong nahimatay.
"Ma'am andyan na po si manang, papapasukin ko na po ba?"
" O sige, papasukin mo na, padiretsuhin mo na dito sakin."
"Mommy, mommy nakita niyo po ba si ate? Kanin ko pa po siya hinahanap"
"Baby, andiyan lang ang ate mo, baka may ginagawa lang siya,dun muna kayo sa labas may bisita si mommy."
"Ma'am andito na po si manang"
Pumasok si Manang sa kwarto kasama ang isang maliit na batang babae.
"Oh manang kamusta na ho kasama niyo kay gandang bata"
" Michiko ho, apo ko iniwan na kasi siya ng mga magulang niya sakin, kaya ako nalang ang nag-aalaga sa kanya."
"Halika nga dito"
Iniabot ng babae ang isang manika sa bata.
"Wow ang ganda po naman niyan"
"Gusto mo ba nito? Oh heto sayo nalang yan.."
"Maraming salamat po.." Hinalikan ng batang michiko ang babae..
"Andun sa labas ang mga anak ko.. Puntahan mo sila ng makalaro mo sila. maguusap lang kami ng lola mo.."
"sige po.."
Lumabas ang batang Michiko dala ang manikang bigay sa kanya ng Babae. Dumiretso ito sa sala at umupo. Habang 
naglalaro ang Batang Michiko may dumating na batang babae..
"Hi! ako nga pala si Chamine ano pangalan mo..?" Bati nito.
"Ako si Michiko.." sagot naman nito..
"Anung ginagawa mo dito? Sino kasama mo?" Tanong ni Cham
"Kasama ko si Lola ko kinakausap niya mama mo." wika ni Mich
"Ah pede ba tayong magkaibigan? Kanina ko pa kasi hinahanap ate ko di ko makita.."
Dumating ang ate ni Cham.. at agad na kinuha ang Manika..
"Akin to ah! Bakit nasayo to? Sino ka?" sigaw na sabi nito sa dalawa.
"Ate Sa kanya yan binigay ni mommy sa kanya yan! at wag mo siyang aawayin kaibigan ko siya" Pagdepensa ni 
Chamine sa bagong kaibigan..
Inihagin ni Kring ang manika sa dalawa at tumakbo na ito sa kwarto niya.. napaiyak si michiko sa nangyari..
"Wag ka na umiyak kaibigan.. Wala na si Ate. Pasensya ka na sa kanya. Pero mabait yun" Pagpapatahan ni Cham kay mich...
 Dumaan sila Klein sa isang gasoline station para bumili ng wet wipes para ipunas sa mga dugong kumapit sa 
katawan ni Kring na nakuha niya ng nadulas ito sa loob ng Condo Unit ni Aby.
"Babe Just Wait here Bili lang ako"
Isang tungo lang ang naisagot ni Kring kay Klein. Bumaba na si Klein ng sasakyan at pumasok na sa convenient store. 
Isinandal ni Kring ang Ulo sa Sandalan at pumikit, ngunit sa tuwing napapapikit ito bumabalik sa kanyang alala ang 
mga nangyari sa Condo unit ni Aby, maya maya ay biglang tumunog ang Cellphone ni Klein na nakapatong sa gilid ng 
emergency break. Kinuha ni Kring ang cellphone at binuksan.
"Hon.. Nasan ka na ba.. Kanina pa ko naghihintay dito sa house.."
Nanlaki ang mga mata ni Kring sa nabasa, nanikib ang kanyang dibdib at nanakit na parang tinutusok ng mga karayom 
ang puso ni Kring sa nararamdaman. Hindi alam ni Kring ang gagawin kung mananahimik ba siya o magwawala dahil 
sa sobrang dami nang nangyayari sa buhay niya. Gulong gulo na siya sa mga nangyayari sa isip isip niya na gusto na 
niyang magpahinga. Napasandal nalang si Kring at napapikit.. Sa muling pagmulat ni Kring nagpakita nanaman ang 
babaeng nasa kanyang bangungot, Nakatayo ito sa harap ng kotse at nakayuko.. muling ipinikit nalang ni Kring ang 
kanyang mga mata upang di na ito masilayan, nang may biglang humawak sa braso ni Kring.
"Aaaaah! Wag mo ko hawakan! Wag mo ko hawakan" Gulat na pasigaw ni Kring
"Kring! ako to Si Klein! nanaginip ka nanaman.. Ano bang nangyayari sayo..?" 
Muling napansin ni klein ang Dugong nasa katawan ni Kring at iniaabot ang wet wipes.
"Oh heto magpunas ka muna.."
At umalis na sila Klein sa Gasoline station. Habang nasa Biyahe. Tahimik lang si Kring at nakikiramdam. Ngunit gusto 
ng kumawala ng mga nasa utak ni Kring dahil sa nabasa niya sa Cellohone ni klein kanina. Tumunog nanaman ang 
Cellphone ni Klein at ng mga sandaling yun hindi na nakapagpigil si Kring.
"Klein paki hinto ng sasakyan.." Malumanay na sinabi ni Kring
"Bakit?.." Pagtatakang tanong ni Klein.
"Basta sinabi ng ihinto mo.." 
"Babe whats wrong with you?"
"Sinabi ng ihinto mo!" Pasigaw ng sinabi ni Kring
Inihinto ni Klein ang sasakyan, at saktong nasa harap sila ng Campus kung san sila nagsisipag aral.
"Ano bang Problema mo?" Inis na tanong ni Kein.
Hindi sinagot ni Kring ang tanong ni Klein, agad na bumaba ito sa kotse ngunit bumaba rin si klein ng mabilis.
"Sino yang babaeng nasa phone mo? Bakit hon ang tawag niya sayo?" Tanong ni Kring ngunit ang boses nito ay medyo 
mababa. nakaharap ito sa campus.
"What? Anong pinagsasabi mo?" Naglakad si klein papunta kay Kring. Ngunit pinigilan siya ni Kring na wag ng lumapit.
"Wag kang lalapit.." wika ni Kring.. nakaharap pa rin sa campus..
"Babe hindi ko kilala yun.. baka na wrong send lang yun or something" nasa harap na siya ng sasakyan.
Humarap si Kring.
"Alamo ayoko sa lahat yung taong napaka sinungaling.. Kakasabi mo lang sakin na hindi mo ko iiwan tapos ganto, At 
ano! ginagawa mo pa kong tanga!" Tumulo ang Luha ni Kring.. "Sinasabi mong Wrong Send eh nakasave sa phone mo 
ang number!" tumakbo si Kring sa loob ng campus. 
"Kring!"
Hinabol ni Klein si Kring sa loob..

==============================================

No comments: