Thursday, December 27, 2012

Kalampag sa Papag 12




Chapter 12 [ Si Michiko ]





"Kring! ano ba? San ka pupunta!?" Sigaw ni Klein. Hinabol niya si Kring sa loob na campus.
"Bakit bukas ang Gate ng School?" Nasabi ni Klein sa sarili ng mapadaan sa gate ng campus.
"Kriiiiiiiiiiing" Umalingawngaw ang sigaw ni Klein sa buong Corridor na siyang biglaang pag gising ni Mich.
===============================================
"Kring!" Sigaw ni Michiko at biglaang pagmulat..
"Pauline Gising na si Mich!" Sigaw ni Jane habang inaalalayan si Michiko umupo mula sa pagkakahiga sa sofa.
"Nasaan na tayo" tanong ni Mich kay Jane.
"Ano ka ba nandito tayo sa lobby ng condo ni Abby. Naabutan ka namin dito na walang malay, Sabi ng receptionist 
hinimatay ka daw.. Ano ba kasing nangyayaring sayo? Michiko tama na Please umuwi na tayo magpahinga ka na 
pagod na pagod ka na oh" Pagmamakaawa ni Jane kay Mich. Nagtatakbo si Pau papasok sa lobby.
"Ano Mich ok ka na ba? Tama na kasi to. Ano ba kasing nangyayari sayo?" Napaupo si Pau sa sofa ng Lobby. 
"Tinawagan ko na yung Driver namin. nagpasundo ako sabi ko isasabay ko kayo" Mahinang sabi ni Pau habang 
nakatingin kay Michiko at Jane.
 "Mam!!!" Sigaw ng Receptionist at bakas sa muka nito ang labis na pagkagulat
"May nag-intercom po galing sa taas natagpuan pong patay ang tao dun sa unit na tinatanong ninyo dalawa po ang 
natagpuang pata yung isa po lalaki tumawag na po kami ng SOCO para imbistigahan ang mga nangyari" Nanginginig 
at takot na takot na sinabi ng receptionist.
"What!!?" Napatayo si Mich at halata sa postura ang pagkagulat. Tumayo si Jane para akayin si Mich na kumalma lang, 
samantalang si Pau naman ay natulala dahil sa narinig.
"Pau! I told you! Kelangan na nila ng tulong! Hindi siya titigil hanggat hindi sila nauubos!" Pasigaw ni Michiko.
"Hanggat di tayo nauubos.." Mahinang pagbanggit ni Jane.
"Pero Michiko pano natin matutulungan si Kring eh wala nga tayong kaalam alam kung nasaan siya ngayon" Sagot ni 
Pau. Agad na lumapit si Mich sa receptionist at nagtanong.
"Mis May Bumisita ba sa unit ni Aby kanina?" Tanong ni Michiko. Agad na kinuha ng receptionist ang talaan ng mga 
guest at tiningnan.
"Mam meron po Kristina po ang pangalan" Wika ng receptionist at ipinakita ang talaan ng mga guest kay Michiko. 
Binasa ulit ni Michiko ang Talaan. 
"Base sa nakasulat dito mag alas nwebe ng gabi pumunta si Kring" wika ni Mich. Mas nanlaki ang mata ni Mich dahil 
sumunod sa nakasulat ni Kring ang pangalan ni Klein tiningnan niya ang oras ng lagda halos tatlumpung minuto ang 
pagitan. Mas ikinilaki ng mata ni mich ang nakitang walang lagda ang oras ng pagalis ng dalawang magkasintahan. 
Hindi na ipinaalam ni Michiko sa babae ang nakalimutang lagda, Isinara nalang niya ang talaan at ibinalik na ito sa 
babae. Agad na lumapit si Mich Kina Pau at Jane, umupo ito at pinalapit ang dalawa sa kanya.
"Nakita ko sa talaan na magkasunod na dumating si Kring at Klein kanina, malamang magkasama sila ngayon." 
Mahinang sabi ni Michiko sa dalawa.
"Pero nasaan nga ba sila??" Tanong ni Jane. Biglang nagring ang cellphone ni Pau tumawag ang driver papasok na 
daw ng condo ang sasakyan. Aakmang tatayo na sana si Mich ng muling mahimatay nanaman ito.
"Michiko!" Biglang tayo ni Jane at napahawak kay Mich. Tatawag na sana ng Medic ang receptionist pero pinigilan ito ni 
Pau dahil sila nalang daw ang bahala kay Mich tutal andyan na yung sasakyan. Bumaba ang driver nila Pau para 
buhatin si Mich pasakay ng sasakyan. at umalis na sila.
===========================================
"Pero Manang Hindi naman ho ganung kadali ang sinasabi niyo, akala ko ho ba nagkaunawan na tayo nung unang 
paguusap natin. Saamin na lumaki ang bata kami na ang kinikilalang pamilya mahirap din po sa kalagayan niya ang 
mangyayari." Pagmamakaawa ng nanay nila Kring sa matanda
"Ito ho ang Lampin ng makuha namin siya sa labas ng aming bakuran, wag ho kayong magalala dahil sinunod namin 
ang lahat ng nakasulat sa papel na nakaipit dyan. Pati ho ang gusto niyong pangalan na Kristina ay ipinangalan po 
namin sa kanya" Pahabol ng nanay nila Kring.
Mula sa pintuan ng kwarto nakadungaw ang batang Kring at inaaninag ang naguusap. Di niya alam at naiintindihan ang 
pinaguusapan ng kanyang ina at ng matanda. Nakikinig lang ito at nagmamasid mula sa uwang ng pintuan. 
"Ate anong ginagawa mo diyan? bakit ka nakikinig sa usapan ng mga matatanda?" tanong ni cham. Agad naman 
humarap sa kanila si Kring at sumimangot
"Eh ano bang pakealam niyo! tsaka bakit ba kayo nandito?" pagsusungit ni Kring.
"Eh masama kaya ang makinig sa usapan ng mga matatanda. Diba Michiko?" Pagkumpirma ni Cham. Agad naman 
yumuko yuko lang ang batang michiko senyales ng pagsangayon dito.
"Bakit niyo ba ko pinapakealaman! Alis nga!" tinulak  ng batang Kring si Cham na naging sanhi ng pagkasubsob nito sa 
sahig. Umalis si Kring at dumiresto sa kwarto niya samantalang inalalayan naman ni Michiko si Cham para tumayo.
"Oh Chamine anong ginagawa niyo rito ni Mich sa tapat ng kwarto?" wika ng ina nila cham.
"Sige ho mam mauna na ho kami ng apo kong si michiko." paalam ng matanda.
Mag gagabi na ng makauwi ang mag lola sa bahay nila. Mabuti nalang nagsaing na si manang bago umalis ng bahay 
at sakto namang may tirang ulam pa sila kaninang tangahali kaya ininit nalang ito ng lola ni Michiko. Habang kumakain 
ang mag lola may nabuong tanong sa isipan ang batang Michiko.
"Lola bakit po ba tayo balik ng balik dun sa malaking bahay? ano po ba ang pinaguusapan niyo ng nanay nila Chamine 
at Kring?" Tanong ng isang walang kamuang muang na batang babae habang may lamang pagkain ang bibig dahil 
nakabukol pa ang pisngi halatang may laman pang pagkain at sa di maayos na pagsasalita.
"Bawal magsalita habang may laman pa ang bibig" Saway ng lola sa batang Michiko. Nang malinok na ang buong 
nginunguya ay uminom muna ito ng tubig at nagtanong ulit.
"Lola bakit po ba?" muling tanong ng batang Michiko. Tila naghahanap ng kasagutan ang munting bata dahil sa di 
mawari sa utak kung bakit ba sila balik ng balik sa malaking bahay.
Tumayo ang lola ni Michiko pumunta sa kwarto. Nagtaka naman ang bata kung bakit umalis ang kanyang lola. Nang ito 
ay bumalik may dala itong lampin. Inilatag ang lampin sa lamesa.
"Kaninong lampin po yan lola? eh ang alam ko pa wala na po akong mga lampin" Pagtatakang tanong muli ng batang 
Michiko.
"Sa Kapatid mo to" mahinahong sabi ng matanda.Dahil sa pagkakarinig sa sinabi ng matanda. Halos di makapaniwala 
si Michiko sa kanyang narinig.
"Heto o tingnan mo.. nakaburda ang pangalan ng ate mo dito"
"Pero lola akala ko ho nagiisang anak lang ako.. " Natahimik ang batang Michiko at napaisip "Eh lola ang sabi mo po 
meron akong kapatid at ate ko siya nasaan po siya ngayon?" Tanong ni Michiko sa lola niya. 

Niyakap ng lola ang batang Minichiko. "Balang araw maiintindihan mo rin ang lahat" Iniharap niya ang batang babae sa 
kanya. "Basta magkikita rin kayo ng kapatid mo, Nakita ko na siya nakatira siya sa isang masayang pamilya at mabuti 
ang kalagayan ng kapatid mo doon. tsaka malaki ang bahay nila doon." wika ng Lola.
"Eh lola bakit hindi po siya umuuwi dito saatin? bakit po hindi.."
"hayaan mo na apo.. diba ang sabi ko rin sayo magkikita rin kayo ng kapatid mo pero matagal pang panahon.. Sige na 
tapusin mo na yang kinakain mo.." Pagputol ng lola niya..
Tanging pangalan lang ng kapatid ni Mich ang kanyang naalala dahil sa nakaburda ito sa lampin na inilabas at 
ipinakita sa kanya ng lola niya. " K R I S T I N A"
========================================
"Kriiiiing????? nasaan ka ba?" Sigaw ni Klein sa corridor habang naglalakad.
========================================
Michiko's Points Of View:
Nagising ako ng nasa sasakyan na ko nila Pauline. Naiintindihan ko na kung bakit ganun nalang ang nangyayari sa 
akin. Halos mapagtagpi-tagpi ko na ang bawat eksena sa tuwing nawawalan ako ng malay at mananaginip. Sa totoo 
lang napapanuod ko lang ang mga ganitong pangyayari sa buhay ko sa mga pelikula pero ngayon masasabi ko na 
totoong nangyayari ito. Ang Lampin na ipinakita sa akin ni Lola na may pangalang Kristina at ang pangalan sa talaan ng 
mga bisita sa lobby ng Condo ay iisa " K R I S T I N A ". Hindi ko alam kung siya ba talaga ang hinahanap kong kapatid 
ko pero nararamdaman ko sa sarili ko na totoo ito, na ang lahat ay parang sumasangayon, na ang bawat pangyayari ay 
talagang naaayon. Si
" K R I S T I N A "
at ang aking Kapatid na matagal ko ng hinahanap ay iisa.
==========================================
"Manong pakidaan naman ho kami sa school" Wika ni Michiko sa driver.
"Kuya no! dont mind her basta direcho tayo sa bahay tapos" Pagtanggi ni Pau.
"Pero Pau! mapapahamak kapatid ko!" sigaw ni Mich.
"Michiko ano bang nangyayari sayo... Ngayon sinasabi mo na si Kring ay kapatid mo?" Pagkalitong tanong ni Jane.
"Kelangan mo na talaga magpahinga mich! Hindi mo na alam mga pinagsasabi mo!" Dugtong ni Pau.
"Ihinto niyo ang sasakyan!" Sigaw ni Mich. Pero di parin siya pinansin ng driver at tuloy tuloy parin ito sa pagmamaneho.
"Ihinto niyo sabi eh!" Nagcrack na ang boses ni Michiko at nagsimulang tumulo ang luha niya.
"Sinabi ng ihinto nyo!" tuloy tuloy na ang pag iyak ni Michiko, samantalang si Jane naman ay hinimas himas ang Likod 
ni Mich. 
Humito ang sasakyan.
"Look Mich ganito nanaman ba ulit ang eksena? Magpupumilit ka nanaman ba? Alamo nababaliw ka na!" Sigaw ni Pau.
"Pau huminahon ka nga muna pwede bang intindihin muna natin si Mich?" Pagpapahinahon niya kay Pau.
Natahimik ang Buong loob ng sasakyan. nagpapakiramdaman at di nagtagal 
"Napapagod din naman ako eh. Sa totoo lang Hirap na hirap na ko. Hindi lang naman kayo ang nahihirapan eh, 
sobrang nahihiya na ko sa inyo dahil hanggang dito sinasamahan niyo parin ako.." Tuloy tuloy lang ang iyak ni Mich.
"Pasensya na talaga Mich Pero di ka namin magawang iwan di magkakaibigan tayo? Diba friendship forever?" wika ni 
Pau. medyo teary eyes na din siya.
"Oo nga Friendship Forever" Umiiyak na dagdag ni Jane.
"Basta ikwekwento mo samin lahat pagkatapos nito" Nakangiting wika ni Pau.
"Oo naman..pramis" nakangiting tugon ni Mich
"Kuya tara na sa skul" utos ni Pau sa driver..
==================================================
"Aaaaaaaaaaaah!" 
Isang Sigaw ang narinig ni Klein habang tinatahak ang Kahabaan ng Corridor ng Campus. Alam niyang boses ni Kring 
yun, subalit ang ipinagtataka niya bakit walang mga gwardya na nagbabantay at bakit bukas ang campus.
"Kring! nasaan ka!?"
==================================================