Chapter 3 [ kwento ]
Layuan niyo ko! wag kayo lalapit saken! aaaaaaah!!!!....
"Kring! gumising ka!!!" gising ni klein sa kasintahan,
ilang sandali lang ay nagising si kring mula sa pagkakabangungot, kitang kita sa muka ni
kring ang pagkatakot,
nanginginig at pinagpapawisan ng malamig, niyakap
ito ni klein at hinimas ang likod."tama na huminahon ka
na, binabangungot ka, wala na" bulong nito kay kring,
"maraming salamat klein" sagot nito na may kasamang paghikbi.
"Andito na tayo sa bahay niyo, bukas nalang ulet" wika ni klein,
bumaba ito ng kotse at binuksan ang pintuan ni kring at bumaba
na si kring ng sasakyan."Oh heto mga gamit mo, kamusta mo nlng
ako kay tita tsaka kay louie, goonight Babe" niyakap niya ulit si kring
at hinalikan sa ulo. "Magpahinga ka na" pahabol na wika ni klein.
"ikaw din babe, salamat.." pumasok na si kring sa loob ng bahay
ngunit bago niya isinara ang gate hinitay niya munang mkaalis
ang kotse ni klein.. "Okay guys last 5 shots nalang then pwede
na tayong umuwe, pero cge water break muna tayo"
sabi ni aby sa mga free lancer na model na nakuha niya.
sa couch sa gilid ng desk kung saan nakapatong ang mga gamit ni aby
nandun nakaupo si trixie. "Oh anong meron at napabisita ka dito gabi na ah"
tanong ni aby kay trixie, "Parang kelangan ko kasi ng kasama ngayon,
parang di ako makakapag isa ngayon" sagot nito habang
nagbabasa ng magazine. "aNo? at baket namn?"
tanong ulit ni aby habang nilalapag ang hawak na camera sa desk.
binitawan ni trixie ang binabasang magazine at pinaupo si aby sa tabi niya
"alam mo kasi sigurado ako hindi ka maniniwala sa ikukwento ko
pero kelangan mong malaman, alam mo yung C.R sa mendel Hall
sa fourth floor may narinig akong isang malalim na boses basta
nakakatakot alam mo kung nandon ka cgrado ako
mapapakaripas ka din ng takbo sa takot"
kwento nito kay aby. "Yan..yan..yan ang mga napapala mo
kakapanood ng mga horror movies, alamo tinatakot mo
lang sarili mo eh kaya tigil tigilan mo na yang panonood
mo ng mga horror movies, tas tatakbo ka saken magpapasama
ka, sasabhn mong natatakot ka, adik to" wika ni aby.
"Sorry naman, grabe ah sige na isang gabi lang..plssss"
pilit ni trixie kay aby "O siya! siya! cge..pero tapusin ko
lng muna tong photoshoot namin" wika ni aby.
"tnx aby! sabi na eh papayag ka rin! hahah!!..cge na tapusin mo na yan..haha!!"...
Sumunod na araw nasa canteen sila aby, trixie at kring hinihintay sila klein, jepoy at michael..
"alamo ba tol kagabi nung bumababa tayo ng
hagdan sa rada hall, diba nagpapatay sindi yung
ilaw sa 2nd floor, napalingat ako sa likod kasi naramdaman
kong tuluyan ng namatay yung ilaw, paglingon ko may nakita
akong babaeng nakauniform duguan ang itsura gagi kinilabutan
ako dun tol, pag uwi ko kagabi yun parin iniisip ko," kwento nito kay Jepoy
habang naglalakad papunta ng canteen "aNo? sigurado ka ba tol?"
"tol naman muka ba kong nagBibiro".."ayun na sila kring tara na" putol ni klein sa
usapan..nagkasamasama na sila pero tuloy parin ang kwento
ni michael kay jepoy at pilit na pinapaniwala. "anung inaalburuto nyan jepoy?"
tanong ni kring kay jepoy. " eh panu nakakita daw siya kagabi ng
babaeng naka uniform tas duguan daw yung itsura habang bumababa
kami ng hagdan sa rada hall" kwento nito sa mga kaibigan. "ano?! pati ba naman ikaw
michael?!"
singit ni aby. "huh anung pati ako" tanong ni michael. "eh panu pati to si trixie
nagkwento saken kagabi na may narinig daw siya sa
CR kagabe ayan tingnan niyo tulala panu di nakatulog,
anu bang nangyayare sa inyo?!" paliwanag ni aby. "alam nio guys
kulang lang yan sa simba! magsimba simba kc kayo nang di kayo
inaaswang! hahaha!!" pabirong banat ni klein. "alam nio wag niyo
nang isipin yan, matatakot lang kayo sa mga pinag gagawa niyo eh"..
tumayo si Jepoy mula sa pagkakaupo, ngunit sa pagtayo niya nabangga
niya si michiko isa sa mga kakalase nila, nalalag ang mga hawak
niyang libro dahil sa pagkakabangga nito kay jepoy, mabuti na nga lang
wala itong dalang pagkaen. "aray!" "nako mich pasensya na" paumanhin
ni jepoy, agad na pinulot ang mga nalaglag na libro ni michiko."salamat ok lng yun
hndi rin naman kc ako natingin sa dinaraanan ko eh, pasensiya din cge
mauna na ko" sagot naman ni michiko kay jepoy. sa mga kwento na narinig ni kring iniisip
niya kung dapat din ba niyang ikwento kung ano ang napanaginian niya nang bangungutin
siya habang natutulog sa sasakyan ni klein. Mukang may mga koneksyon ang mga
nangyayare, yun ang pakiramdam ni kring. Na may nais na ipahiwatig ang bawat pangyayare,
sa loob loob ni kring naitatanung niya kung dapat ba siyang maniwala sa mga kwento nila
trixie sa mga kakaibang nararanasan ng mga kaibigan niya, habang nagiisip isip si kring,
isang nakagigimbal na balita ang kumalat sa buong campus...isang patay nanaman ang
nakita. ito ay nasa sa C.R ng mga lalake sa Alexander Hall, estudyante at ang masaklap pa
doon eh mukang kaklase nila kring ang biktima.. "guys tara puntahan natin!" aya ni aby sa
mga kasama "grabe naman meron nanaman, nakakakilabot naman" wika ni michael
"wag na nating puntahan yon, eto naman tong mga to oh!" singit ni trixie
"tara na puntahan na natin!" pilit ni jepoy
"tara na tara na" sagot ni klein
at nagpunta na nga sila...
Sinu kaya ang patay na nakita sa banyo ng mga lalake sa Alexander hall, maging senyales
kaya ito ng pagiisip isip ni kring sa mga nangyayare, ano kaya ang dahilan kung bakit
nagkakaroon na ng mga ganitong insidente ang campus?..ilan pa kaya ang mabibiktima, ilan
pa kaya?
Itutuloy...
No comments:
Post a Comment