Thursday, December 13, 2012

Kalampag sa Papag 1




Chapter 1 [ Litrato ]


Ilan na nga nalang ba ang mga totoong   tao dito sa mundong ibabaw?
Iilan nalang ba ang mga taong may pake alam sa mga    nangyayare sa kanilang paligid?

Ilan na nga lang ba ang mga taong marunong    makiramdam sa mga usaping dapat ay lubos

napinahahalagahan 
dahil sa taglay   nitong adhikain at damdamin?  

Waaaa!!! anu ba yan ang panget naman! Hoy! eh kung  tinutulungan mo kaya ako dito ng

matapos na tong project mo!.

sigaw ni kring sa nakababatang kapatid.
"Eh kasi naman masyadong makata yang   prof. niyo tsaka magbibigay siya ng deadline eh

wala sa lugar!''.
wika nito sa   kapatid habang hawak ang lapis at nilukot na papel.
"Ano ba! Louie! hindi muh ba ko   tutulungan dito??!!!"  
galit na pasigaw ni kring sa kapatid.  
"alamo ate..eto lng yan eh, 
eh kasi hindi naman kita pinipilit na gawin yang project ko eh,
ewan ko ba sayo kung bakit kanina mo pa pinagtutuunan ng pansin yan"  
sagot nito sa nakatatandang kapatid habang naglalaro ng psp.
"hoy! ang kapal din naman ng muka mo no! eh kung hindi naman kasi ako   sinabhan ni mama

hindi naman kita tutulungan eh"
sagot nito sa kapatid.  
"huminahon ka nga ate para kang di ma pa-anak na manok eh..   eto na sige na ako na

nagsasabi na wag muh ng gawin yan ako na bahala diyan ok?   tsaka c sir pa..malakas ako

dun haha!",   "talaga?" tanong ni kring sa kapatid,
"oo ate ako na bahala diyan",  
"eh di ayos na! wala na kong problema..
 teka baka naman puro kalokohan naman ang inaatupag mo sa skul ah!?"   pagdududang

tanong ng ate.

"ikaw pasalamat ka pinagaral ka ni mama ng college   kaya ngayung freshmen college ka

paghusayan mo lalo" dugtong ng ate.
"hay nako   o siya! siya! sige na makakalabas ka na ng kwarto ko, yan ka nanaman sa mga  

continuation ni mama eh! sige na..wag ka mag alala te matino ito! haha!!"   sagot ni louie na

may tonong pangasar.
 "tinuin mo your face!..bahala ka sa buhay mo makalayas na nga dito"    wika ni kring habang papalabas ng kwarto.  
"bye ate goodnight! matulog ka na mag aayos pa tayo ng gamit bukas excited na   ko lumipat

ng bahay! bagong kaibigan, bagong kapit bahay, bagong chicks!   wohooo!" 
mula paglabas ng pinto sa kwarto ni louie at pababa ng hagdan eh..iniisip ko na   kung anong

nagaantay sa lilipatan naming bahay maayos kaya sa lugar na yun?   sana nga lang hindi

maingay, di tulad dito grabe ingay..haaaay ngayon palang   mukang magiging matrabaho na

kame dahil sa pag hahakot at pagliligpit sa lahat ng   gamit..bumaba si kring sa sala tsinek ang

mga lock.pagkatapos pinatay ang ilaw.   umakyat sa kwarto at natulog...    
Kinaumagahan..

"kring! kring! bumangon ka na diyan..marami pa tayong aayusing gamit dito! ! !" sigaw ng

mama niya mula sa unang palapag.
"hoy! ate! gumising ka na raw!" dugtong ni louie habang kinakalabog ang pinto ng kwarto...
"bumaba na kayo diyan! ng makatulong dito, darating na yung maghahakot ng mga gamit

mamaya! wag ng pabagal bagal!" pangalawang beses na sigaw ng ina..
"Opo Mama! nandyan na" sigaw ni louie..
"grabe naman to c mama, para kang nasa i-max sa sobrang lakas ng bunganga" bulong ni

louie habang bumababa ng hagdan, samantala lumabas na c kring ng kwarto at bumaba na rin

ng hagdan,
"teka kumain muna kau ng agahan nandun sa kusina ayusin nio nlng dun, ayos na ba yung mga

gamit nio??" tanong ng ina
" opo mommy kagabi pa" sagot ni louie
"yes mom" sagot ni kring habang nagsusuklay at nakaharap sa salamin, mula sa salamin

maaninag ang kupas na litrato ng ama nila..na animoy di na makilala sa sobrang luma na ng

litrato..parang pinag halong sepia at polarize ang effect nito kung ibabase mo sa style ng

pagkakakuha..napansin ni kring ang litrato at nilapitan.hinawakan at tiningnan.ilang minuto lng

ay inilapag na nya ulit ito at dumiretso na sa kusina..
"ate nakita kita tinititigan mo yung litrato ni papa..kamusta na kaya si papa??" tanong ng

kapatid "cgrado ako kung nasan man xa ngaun masaya na xa sa buhay niya" sagot ng kapatid
" eh bkt kc"
"Hep hep! tama na kumain na tayo ng makatulong na tayo kay mama sige na" putol nito kay

louie.. pagkalipas ng ilang oras naisaayos na ang lahat ng gamit at lumipat na sila ng tirahan..

iniisip ko palang ang nangyari saming pamilya hindi ko na matancha kung anong klaseng hirap

ang dinanas namin ng nawala si papa samen. sayang ka papa di mo nakitang lumaki ang mga

anak mo. alam ko kung anong klaseng hirap ang dinanas ni mama sa pagpapalaki saming

magkapatid at kung anung klaseng kahihiyan ang dinala ni mama sa kanyang pamilya. pero

naging matatag si mama at isa isang nilutas ang bawat pagsubok saksi ako sa mga

nangyayari at lahat hindi ko makakalimutan. sayang ka papa..sayang ka..

Nakapag ayos na ng mga gamit sila Kring at saktong dumating na ang sasakyan na gagamitin

nila para sa paglilipat. Habang nasa biyahe sila.

"manong alam niyo po ba talaga kung saan yung lugar na yun?" tanong ng mama nila kring sa

driver.
"ahh..teka lng manong..Louie pakikuha nga ng papel dyan sa loob ng bag ko, yung may

nakasulat na swing road avenue" pakisuyo ng ina sa anak,
"mama wag mong sabihin nakalimutan niyo yung daan?" tanong ni kring sa ina
"ma wala namang papel dito eh" wika ni louie habang nagkakamot ng ulo.
"ano?! hindi pedeng mawala yun..haay cge manong magtanong nlng tayo, ayun oh dun sa

matandang lalake". "mawalang galang na pwede ho bang magtanong? alam niyo po ba

yung..!@#$%^&"
"ma bili lng ako ng softdrinks ah.." paalam ni louie
"ate gusto mo?" aya nito
"sige bili mo na rin ako" sagot ni kring sa kapatid..ilang minuto lng ang lumipas
"louie tara na aalis na tayo!" sigaw ni kring sa kapatid habang nalabas ang ulo sa bintana ng

sasakyan..at ilang oras pa ang lumipas narating din nila ang lilipatang bahay.
"haaay grabe naman nakaupo lng tayo buong magdmag pero pagod na pagod ako" wika ni

louie..
"salamat ho manong papasok nlng ho ng mga gamit bukas nlng kami magaayos" wika ng ina..



walang makakapagsabi kung anong ididikta ng mga panahon..maswerte ka nlng kung

naaayon sayo ang bawat pangyayare sa buhay mo. Walang makapagbabago ng mga bagay

na nasimulan na at nagtatak ng mabigat na pakiramdam sa dibdib mo. hindi mo maisasaayos

ang lahat kung di mo sisimulang magbago. walang makakapigil sa bugso ng damdaming

naghihinagpis sa kalupitang dinanas ng mga nakaraang di makalimutan. isang pangyayaring

naitatak na sa isipang pang habang buhay at tuluyang sinisira ang bawat bukas ng mga

masasayang araw. hindi mo na maibabalik ang nakaraan. hindi mo na ito mababago.

sumunod ka nlng sa agos ng buhay. at alam mo sa bawat pagkakamali may mga nakaantabay

na kaparusahan...

No comments: