Chapter 4 [ Piyesa ]
Matatanaw na ang nagkukumpulan na mga estudyante
mula sa pag akyat ng hagdan papuntang 2nd floor ng alexander hall.
" aY! F**k S**T! " wika ni aby sa nakitang bangkay sa loob ng CR. Nagkalat ang mga dugo sa sahig ng cr dahil sa sugat nito sa kaliwang kamay.
" si lissa! " sigaw ni trixie nang makita ang patay.
"teka babae? tas nasa cr ng mga lalake? panu?" wika ni klein.
"baka ginahasa" singit ni jepoy.
"wag niyo na pagisipan ng kung ano ano kayo talaga" wika ni kring.
"eh diba si lissa yung girlfriend ni jommel yung taga section B, yung pianist ng school?" sabi ni michael.
Habang sa kabilang kumpulan naman nandun sila michiko at mga kaklase nito.
"tara na umalis na tayo dito" wika ni mich, biglang tumunog ang cellphone ng kasama nito
" magkita tayo sa library, pababa na ko hintayan nlng" text ni pauline.
"tara na jane punta na tau library" aya nito sa kaibigan.
Ang library ay nasa ikatlong palapag ng alexander hall,
ngunit bago ka makarating dito madadaanan muna ang music hall ng school. pagakyat palang
sa hagdan ng 3rd floor naririnig na nila mich at jane ang tumutunog na piano sa music hall.
" sino yung tumutugtog ng piano?" tanong ni jane kay mich. "aba malay ko tara silipin natin"
nang marating nila ang harap ng music hall isang papel ang nakapaskil sa pinto nito
" Cacelled ang pratice ng Choir by jommel" "Oh jane wala pala kaung practice ngaun eh"
wika nito habang nakatingin sa papel. "si jommel pala yung tumutugtog" wika ni jane.
"eh madalas ko namang nakikita si jommel dito eh,
kung hindi siya tumutugtog ng piano eh,
kasama niya c jc at nagprapraktis sila" wika ni mich.
"tara na baka nandun na c pau" aya ni jane.
Sa hagdan pababa ng unang palapag naka upo si micheal katabi
si jepoy sa sunod na hagdan naman nakaupo sila aby,
trixie at kring nakasandal naman sa pader si klein. "alam niyo hindi
lang eto ang kaso dito sa skul eh, marami ng case ang nangyayare dito sa
school at hindi ito masolusyunan ng school" wika ni michael. "eh kaya siguro
minumulto ang buong campus dahil sa mga insidenteng nangyayari dito" dugtong ni jepoy.
"baka naman si lissa yung nakita mo michael kagabi na duguan at humihingi ng tulong" tanong ni trixie.
"Pwede rin pero parang napaka imposible naman ata nun" sagot nito.
" Uhmm. guys may kukunin lang ako sa locker saglit lng hintayin niyo ko" wika ni kring.
"samahan na kita bOo" "ndi na ako nalang hintayin niyo nalang ako dito".
"BKt ang lungkot ng tinutugtog mo? dahil ba yan sa pagkamatay ni lissa?".
hininto ni jommel ang pagtugtog at tumalikod, "Akala ko kasi magiging maaus na lahat
pag naghiwalay kame" wika ni jom. "iniisip mo ba na may kasalanan ka sa pagkamatay ni lissa?"
"Yun nga eh, parang ang lumalabas ako ang may kasalanan, ewan hindi ko alam naguguluhan ako"
wika nito "wag muna masydong isipin yan, baka di tayo makapag praktis ng maayos next week,
oh heto nga pala." wika ni Jc habang inaabot ang papel na hawak kay jommel. "anu naman to?"
tanong ni jommel. "yan yung piyesa na tutugtugin mo, pagaralan mo nalang, alam kong mtagal ka
makaka recover dahil sa mga nangyayare, pero konting focus lang,
matatapos din yan" wika nito sa kaibigan.."Salamat jc ah, pero hindi talaga maalis sa isip ko
kung bakit niya nagawa yun"."kung lalo mong iisipin, eh hindi talaga maalis sa utak mo yan..adik!".
"eh anung gagawin ko, binabagabag ako ng konsensya ko"."kasi naman ilang beses ko ba
sau sasabhn wala ka nang kasalanan sa nangyare kay lissa..alamo
ang kulet muh na eh paulit ulit ulit ka na tara na nga" Biglang sumara ng malakas ang pintuan
sa likod ng backstage at nagulat ang dalawa.
kasabay ng pagsara ng pintuan sa backstage ng music hall ang pagbagsak ng
gamit ni kring mula sa locker nia. "aY! shet! aray ko andame kasing gamit dito. teka nga mmm.."
nasa right wing 2nd floor ng alexander hall ang locker ni kring no. 13 yun kasi ang monthsary nila ni klein.
habang naglalagay ng gamit si kring, iniisip parin niya kung may koneksyon ba ang lahat ng nangyayare sa
kanila o sa kanya. paulit ulit ang mga napapanaginipan, parang may gustong ipahiwatig, humihingi ng tulong at
ang iba nagpaparamdam. binasag ng isang malakas na sigaw ang buong corridor kung saan nandun si kring..
may umiiyak isinara ni kring ang locker at sinundan ang ingay..nang marating niya kung san nang gagaling ang tunog..
"d2 ko naririnig ang iyak, isang babae"wika ni kring.... sa CR ng babae sa kabilang wing ang tunog na naririnig ni kring.
.pumasok siya sa loob ng CR para i check kung sinu yung tao dun.."may tao ba d2?" tanong nito habang dahang
dahang pumpasok sa loob ng CR "sinung nandyan? ok ka lang ba?" habang papalapit si kring papalakas ng papalakas
ang iyak ng babae..napalingon si kring sa salamin..laking gulat nito ng makita niyang isang babaeng duguan ang reflection
niya sa salamin pula ang mga mata at umiiyak ng dugo lumabas ito sa salamin at agad itong sumunggab kay kring..
"mmm..mmm" "klein klein ..gising na c kring" tawag ni michael kay klein "oh boo ok ka lng ba? wala bang masakit sayo?"
kamusta niya sa kalagayan nito "teka anung nangyare nasan ako?"
"nandito ka sa clinic panu nakita ka naming walang malay sa cr kanina" paliwanag ni michael
"nasan na sila trix at aby?" "wala na kinina pa sila umuwe mag aalas syete na
ng gabi hinatid na sila ni jepoy. ano kaya mo na ba tara na baka hinahanap ka na nila tita" yaya ni klein
"oh ang sabi ng doctor, wala naman daw nakitang iba sayo, maaring over fatigue daw kaya ka nagcollapse" wika ni michael..
pano ipapaliwanag ni kring kay klein ang nakita niya, papaniwalaan kaya ni klein si kring kung sasabhin niya..
Itutuloy..
No comments:
Post a Comment