Saturday, December 15, 2012

Kalampag sa Papag 7






Chapter 7 [ Kaba ]



kinaumagahan nasa canteen ang grupo nila kring. magkatabi sila trixie,

kring at aby katapat naman ni trix si michael,

si jepoy naman ay nabili ng softdrinks habang si klein ay wala pa.

nakaupo sila malapit sa bukana kung saan matatanaw ang malawak na open field,

medyo makulimlim ng mga panahon na yon at mukang nagbabanta ang isang masamang

panahon. hindi pa kalat ang nagyaring insidente kay jommel kagabi. dahil ng mga oras na yon

halos wala ng tao sa building na yun. kaya napag desisyunan ng deirector ng skul at ng magulang

ni jom na itago nlng ang ngyare para hindi na lumaki ang problema. 







"haaay grabe napaka pale ng kulay pagtumingin ka sa labas oh" wika ni aby habang

nakapalumbaba na nakatingin sa labas ng canteen .



"Oo nga e. nakakaantok ng scene parang black and white yung kulay ng paligid" sagot ni kring

habang hawak ang cellphone nito, parang may hinihintay siyang text message.



"Oh eto na yung mga softdrinks niyo" wika ni jepoy habang dala dala ang tray ng mga softdrinks sa

lamesa. 



"Wow guys aa. ang lamig lamig na nga magsosoftdrinks pa tayo kamusta naman yon." wika ni aby.



"Oh trix, kel bkt tulala nanaman kayo diyan ano bang nangyayari sa inyong dalawa?" wika ni jepoy

habang nilalapag ang mga softdrinks sa lamesa.



"whats new jepoy simula ng makakita ng mga kung ano ano yang dalawang yan e naging ganyan

na yan e. weird nuh" sagot ni aby



"Kring nasan ba si klein bkt wala parin siya hanggang ngayon?" tanong ni jepoy kay kring.



"yun nga ang di ko alam e. kanina pa ko text ng text sa kanya wala namang repply, nasan na kaya

yun" pagaalalang sagot ni kring.



"eto o" inabot ni aby ang cellphone niya kay kring "hayan na tawagan mo para di ka nagaalala

diyan" wika nito sa kaibigan.



"Salamat aby a" pasalamat ni kring. "teka lang tawagan ko muna siya" tumayo si kring sa

kinauupuan niya at lumayo muna.



"alam niyo pakiramdam ko may problema yang dalawang yan" wika ni aby



"ewan ko dyan sa dalawang yan lage naman yan e." sagit ni jepoy



"Ah guys" putol ni trixie sa usapan



"Yun naman pala e! marunong naman pala magsalita akala ko na pipe na kayong dalawa ni

michael e" biro ni aby.



"adik to na pipe ka dyan.." sagot ni michael



"Joke lng kayo talaga" wika ni aby



Nagkatinginan sa mata si trix at kel mukang may kelangan pa silang gawin. naalala nila na may

usapan pala sila ng nagiimbistiga kagabi na maguusap pa sila kasama na ang magulang ni jc



kaya gumawa na sila ng kanya kanyang dahilan para makaalis na.



"Ah guys kelangan ko ng umalis pala. naalala ko may rehearsal pala kami ng Kalipaya Dance

Troupe para sa intermission namin sa isang linggo. pasabi nlng kay kring ha" rason nito para

makaalis na.



"ano? parang di ko nmn alam niyang sched mong yan biglaan ba yan?" pagtatakang tanong ni aby



"Oo eh. biglaan lng din kasi. late na nga nasabi samin ng moderator namin e. cge alis na ko text

nlng guys cge bye" paalam ni trixie.



"Ah ako rin pala kelangan ko ng umalis may training pala kame ng basketball ngayon bigla kong

naalala" rason naman ni kel para makaalis.



"Parang wala naman. meron ba kayong training ngayon tol?" tanong ni jepoy.



"Oo tol meron e. sige alis na muna ko pasabi nlng din kay kring text nlng din maya" paalam ni kel.



"Hay grabe. sobrang na wiwirduhan na ko sa dalawang yun a" wika ni aby.



"oo nga e kakaiba sila nitong mga nakaraang araw" wika ni jepoy



maya maya lng bumalik na si kring.



"O asan na yung dalawa?" tanong nito



"wala umalis na si trixie daw may rehearsal sila ng dance troupe" sagot ni aby



"at si kel nman may training sila ng basketball ngayon" dugtong ni jepoy.



"aah ganun ba" wika ni kring.



"Oh anu na natawagan mo ba si klein?" tanong ni aby



"wala ng e. nakapatay yung phone niya" sagot ni kring



"Oh pano yan. tara na alis na tayo. dun nalang tayo sa studio, itext ko nalang si trix at kel na

dumiretso sila dun pagkatapos nila. tutal dala naman ni jepoy kotse niya at dala din ni kel kotse

niya. baka magsabay nlng yung dalawang yun mamaya." wika ni aby.



"Ah. sige mauna nalang kayo ni jepoy may gagawin pa kasi ako sa library. sunod nlng din ako"

wika ni kring 



"ganun ba?" sagot ni aby  "sige mauna na ko bye tnx sa phone nga pala aby" paalam ni kring



"Haaaay grabe ang wiwirdo ng mga tao ngayon. tara na nga jepoy" yaya nito sa kaibigan.



Samantala nagkita na sila trix at kel sa tapat ng directors office.



"Antagal mo naman" bagot na sabi ni trix. "e dame ko pang paliwanag kila jepoy e" wika ni kel.



"tara na pasok na tayo kanina pa naghihintay sila sir sa loob" yaya ni trix.



habang nagkakaroon ng  usapan sa Loob ng director's office. 

Ang director's office ay nasa Administration Building kung saan naroon din ang accounting office.

saktong nanduon ang grupo nila michiko dahil mag babayad sila ng tuition fees nila..

ang Director's office ay nasa ikatlong palapag ng nasabing gusali.

samantala ang accounting office naman ay nasa ikaunang palapag lamang..

limitado lng para sa mga estudyante ang pag punta sa nasabing gusali dahil

wala naman rason para pumunta sila dito. maliban na nga lang kung may kaso sila at ipinatawag..

medyo may kalumaan na rin ang nasabing gusali dahil ito ang unang gusaling naitayo..

Habang nag lalakad na sila mich palabas ng Administration building biglang nawalan ng malay si michiko, na siyang ikinagulat ng mga kasama niya na sila pau at jane. dinala nila ito sa clinic at doon muna nila ipinagpahinga.

habang sa director's office naman.

"mabuti naman nakarating kayo" wika ng nagiimbistiga..

 "sige ho maupo muna po kayo.."

dumating na ang nanay ni jc pero wala sa muka nito

ang makikipag meeting.. mukang nag aalala at pagod na pagod..

"kanina pa ho namin kayo hinihintay" wika ng school director

"ho? bakit niyo ho ako hinihintay?" pagtatakang tanong ng nanay ni jc

nagkatinginan nalang sila trix at kel sa narinig..

"misis, hindi ho ba nasabi sa inyo ni jc ang nangyari kagabe?" tanong ng nagiimbistiga..

"Wala siyang nasabi ni tawag wala..humihingi po ako ng tulong di pa ho kasi umuuwi ang anak ko mula kagabi..nagaalala na ho ako sa kanya"

ikinagulat lahat ng nasa loob ng opisina ang kanilang narinig..

"Ho? saan naman ho magpupunta ang anak niyo misis..?" tanong ulit ng nagiimbistiga..

"hindi ko ho alam..wala man lang text o tawag"

"sige ganito nalang irereport nalang ho namin tong nangyari sa anak niyo.. ipagpaliban muna natin tong uspan natin" wika ng school director..

lumabas na si trix at kel sa director's office na may  halong kaba at pagtataka..

"sa tingin mo kel saan nagpunta si jc.. hindi ko alam wala  akong alam na lugar kung saan siya pupunta" wika ni kel..

biglang tumunog ang cellphone ni trix. si aby nagtext..

"trix diretso nalang kayo dito sa studio..dito kami nila jepoy at kring"

"si aby nagtext pinapa diretso tayo sa studio" wika ni trix..

"sige pero kukunin ko muna yung gamit ko sa locker tsaka may hihiramin akong libro sa library" sagot ni kel

Kung natatandaan niyo ang library ay nasa ikatlong palapag kung saan madaanan muna ang music hall bago makarating ng library..

naghiwalay nalang ang dalawa para di takaw sa oras..

si trix ang kumuha ng gamit sa locker at si kel naman ang humiram ng libro..

mag 4 na ng hapon ng mga panahon yun pero parang 6 na ng gabi dahil nga sa madilim na 

panahon..

nang makarating si trix sa locker ni kel agad nitong kinuha ang libro na kailangan ni kel..pagsara ng locker biglang may sumitsit sa kanya..

lumingon ito sa paligid ngunit wala namang tao sa paligid..humangin ng malakas..

nang makaramdam si trix ng kakaiba tumakbo na ito agad paakyat sa library..

papunta na si kel sa library at saktong pagtapat nito sa music hall bilang tumunog ang

piano na parang sabay sabay pinindot ang piyesa..napahinto si kel at tingnan kung sinong 

nasa loob..ngunit wala namang tao..aakmang aalis na sana si kel ng biglang bumukas dahan dahan ang pinto ng music hall..

sa pagtataka pumasok si kel sa loob at tiningnan kung meron ba talagang 

tao doon..

pagpasok sa loob...biglang sumara ang pinto..

may narinig na ungol si kel..

may umiiyak..

isang malalim na boses ang umiiyak..

pinuntahan ni kel ang piano.. ngunit wala naman tao..sa likod ng stage nang gagaling ang tunog..

pinuntahan din ni kel ang likod ng stage kung saan nandoon ang c.r..

laking gulat nito ng makita niya si jc sa loob ng cr.. nakaupo sa sulok..nakatulala

at parang wala sa sarili..





 Itutuloy...


No comments: