Friday, December 14, 2012

Kalampag sa Papag 2




Chapert 2  [ Mga Paramdam]



"Sino nga ba ako? Sino nga ba ako sa lagay niyo?..
Ako si Maria..
Naranasan Niyo na bang pagmalupitan ng tadhana?Mahirap diba?
Masakit, nakakapanikip ng dibdib, di makalimutan ang bawat pangyayare,
lahat nalang ng mga taong mahal ko iniwan na ko! lalong lalo na ang magaling kong ama!
dahil sa kanya nagkanda leche! leche! buhay naming magpapa pamilya..
galit ako sa mga lalakeng hindi marunong magmahal sa kanilang
mga kinakasama lalong lalo na sa pamilya nila!.."

"CUT" sigaw ng hurado na nakapwesto sa ibaba ng stage.
"ok cge company call na,.." tawag ng isang hurado habang tumatayo sa pagkakaupo..
" ganito ipapaskil nalang namin sa mga bulletin board ng

campus kung sinu yung mga natanggap sa audition,
ngayon palang congratulations na sa inyong lahat,
ok na tapos na
yung audition you may go" paliwanag ng instructor sa mga nagsipag audition.
kitang kita sa muka ni kring ang pagkasabik na makita agad ang resulta at
ilang sandali pa lamang ay binasag ng isang malakas na tunog ng cellphone
ang kanyang pananabik. nagtext si klein ang boyfriend ni kring.

"text mo ko pag tapos na audition niyo ha? dito lng nmn ako sa gym eh..
kasama ko sila michael at jepoy cge".
"wow kring grabe! ang galing mo naman!
parang di scripted ung ginawa mo! alam mo yung damang dama
ko yung katotohanan parang nangyari sa totoong buhay" singit ni trixie..
habang kinukuha ang bag ni kring na nakapatong sa hagdan sa gilid ng stage..
"tara CR muna tayo" aya ni kring sa kaibigan,.

Januray 25.2009 halos mag aalas-otso na ng gabi ng mga panahong yon,
mukang nagsisimula ng matunaw ang mga yelo sa north pole,
damang dama ng mga estudyante ang malamig na hangin na parang
yumayakap sa kanila, nakakapanayo ng balahibo sa sobrang ginaw,
mula sa gate ng skul ilang building pa ang madadaanan bago sila
makarating sa guard house, nasa fourth floor ng Mendel Hall ang Theatro
Room kung saan nagaudition si kring kasama si trixie, iilan nlng ang mga estudyante
sa mga oras na yun dahil ala-sais palang halos labasan na lahat ng mga estudyante,
patay na ang ilang ilaw sa corridor, at ilang klasrum pa ang madaanan nila
kring papunta sa CR.
"Oo nga pala trixie nasan daw si aby? nagtxt ba siya sayo?"
tanong nito habang nagsusuklay sa harap ng salamin.
"yun nga eh, eh hindi pa kaya nagtetext yun hanggang ngayon, mukang
Busy sa photo shoot class nila, alam mo naman yung babaeng yun eh pag
nakahawak na ng camera akala mo paparatzing may bulate sa pwet, hindi ba naman 
mapakale"
wika ni trixie..

"Oo nga eh, Eh ganun naman talaga si aby diba,
antagal muh nmn diyan sa cubicle bilisan mo na" sagot ni kring
"Oo eto saglit lng..eh kasi naman tong palda ko wala sa lugar" pagtayo ni trixie di
sinasadyang malalag ang hawak na panyo, ng kuhain niya ito napasilip si trixie sa ilalim ng 
pinto ng cubicle,
walang tao sa labas."kring, nandyan ka p ba?" tanong ni trixie habang nakasilip pa sa ilalim ng 
pinto.
"Oo nandito ako" isang malalim na boses ang sumagot na parang galing sa ilalim ng lupa,
sa sobrang takot nito, nagmadali itong mag ayos at nagtatatakbo ito palabas ng C.R,
mula sa paglabas ng C.R nakita niya si kring na nag-aantay nakaupo sa hagdan pababa ng 
3rd floor.
"kanina pa kita tinatawag sa loob ng C.R nandito ka na pala sa labas"
wika ni trixie habang nanginginig ang boses
"Oh anung nangyare sau bkt ka nanginginig diyan? bakit ka namumutla?"
tanong nito sa kaibigan
"wag ka na magtanong umalis na tayo dito! tara na!"



Nasa Rada Hall naman sila klein, Michael at Jepoy
kung saan naroroon din ang gym.
Ang gym ng skul nila ay nasa ika-limang palapag ng nasabing gusali,
ang building lang na yon ang may natatanging elevator,..
sa mga oras na yon hindi na gumagana ang elevator kaya napilitan silang maghagdan pababa 
hanggang first floor.

"Antagal naman nila kring wag mong sabihing di pa tapos yung audition nila, eh kanina pa yun 
eh" wika ni klein na may halong pagkainip,
"baka tapos na yun, nagaayos lang alam mo naman tol mga babae eh" wika ni jepoy.
Pababa na sila ng ikatlong palapag
mula sa ikatlong palapag pababa ng hagdan sa ikalawang palapag
madaanan nila ang isang malaking bintana
at kitang kita mula doon ang napakalawak na open field ng school.
mukang malakas ang hangin sa labas at mahamog na dahil nagtutubig ang mga gilid ng 
bintana,
dumiretso sila pababa ng ikalawang palapag ng biglang lumakas ng hangin papasok ng 
bintana,
nadama nila ang napaka lamig na hangin kasabay ng konting pananayo ng kanilang mga 
balahibo,
napahinto silang tatlo at natahimik, walang nagsasalita, tunog lng ng sipol ng hangin ang 
tanging tunog na naririnig nila,
ilang segundo lang ang lumipas nagpatay sindi ang ilaw sa kanilang kinatatayuan,
nagtinginan silang tatlo at nakikiramdam, maya-maya lamang nagpatuloy na sila sa pag lakad 
pababa sa unang palapag,
hindi parin tumigil mag patay sindi ang ilaw.
"sira nanaman ang ilaw" wika ni michael habang bumababa ng hagdan.
"eh ganun talaga lumang luma na ang skwelahang ito eh" sagot ni Jepoy.
Nang makarating sila sa unang palapag saktong nauuna sila klein at jepoy
naramdaman ni michael na tuluyan ng bumigay ang ilaw sa ikalawang palapag
dahil nagdilim ang kanilang likuran,
napalingat si michael sa likod at nanindig ang balahibo niya ng makakita ng isang
babaeng nakasuot ng uniform at duguan ang mukha wariy nahingi ng tulong,
binawi niya ang kanyang tingin sa harap at tumuloy sa paglakad,
sa gate na ng school nagkita kita ang dalawang grupo ng kabataan.
Nang magkita kita..
"bakit antagal niyo?" tanong ni klein sa kasintahan na si kring,
"eh pano si trixie antagal sa C.R" sagot nito,
agad bumaling ang tingin ni kring kay michael,
"Oh bakit namumutla ka kel?" tanong nito kay michael,
"aah..eh wala tara na guys alis na tayo too late na"...wika nito.



Nanatiling sikreto ang nakita at narinig nila michael at trixie sa school nila ng mga sandaling yon,
hindi nila maintindihan kung bakit nangyayare sa kanila ang mga ganung kababalaghan..
ilan lamang sila sa mga estudyanteng nakakaramdam ng ganito..



sino pa ang papakitaan? sino pa ang papakiramdaman?...



No comments: