Saturday, December 15, 2012

Kalampag sa Papag 6






Chapter 6 [ Piano ]







"Ano ba talaga ang nangyare?" tanong ng nagiimbistiga kila trixie at kel..

 

Sa conference room nandun sila Trixie,Kel,jc ang nanay ni jom at

 

ilang mga guro pati narin ang nagiimbistiga..

 

"Hindi po namin alam kung ano po talaga ang nangyare nagulat nalang

 

po kami ng may marinig kameng kumalabog paglingon namin nakita nlng po

 

namin na nakasalampak na po ang katawan ni jom sa sahig" wika ni Trixie

 

"Pero nang Lumingon po ako sa taas..Nakita ko po si Jc na nakadungaw" wika ni kel

 

"At sa mga panahong iyon Mr. Bornillo Anu naman ang ginagawa niyo ni Mr. Amar sa

 

Rooftop?" tanong ng nagiimbistiga

 

"sasabhn ko ba ang totoong nangyare? ayoko? teka mali, kelangan nila tong malaman..pero.."

 

kausap nito sa sarili

 

"Sa mga oras po na yon nagtatangka na pong magpakamatay ni jom dahil sinisisi po niya ang sarili niya sa

pagkamatay ni lissa" wika ni Jc

 

Biglang nagpatay sindi ang ilaw sa conference room kasabay ng pagbagsak ng mga folder

 

ni jom na nakapatong sa lamesa katabi ng kinauupuan ni Jc nagkatinginan naman si Michael at Trixie

 

"Paki check nga ng fuse sa likod ng room na to" bulong ng nagiimbistiga sa kasama nito

 

"O sige pakituloy ng kwento" wika nito

 

"Pinipigilan ko po si jom na wag gawin ang nasa isip niya pero nang hawak ko

 

po yung balikat niya para akayin pababa..pumiglas po siya,tas ayun po nahulog siya"

 

paliwanag si JC

 

"Ok siguro mas magandang magpahinga muna tayo, mas maganda siguro kung

 

mas marami pang witness sa nangyare para mabilis

 

malinis ang insidenteng nangyare sige na ipapatawag nlng namin kayo

 

bukas salamat.." wika ng nagiimbestiga

 

paalis na sana si jc ng tawagin ito ng nagiimbistiga..

 

"Mr. Bornillo we need to see your parents as soon as possible para maayos natin tong problema, ok ba yon?"

 

"ok po sir, cge po papupuntahin ko po magulang ko.." sagot ni jc

 

isang malalim na buntong hininga ang pinkawalan ni jc mula sa paglabas ng conference room, paulit ulit na

 

pumapasok sa utak ni jc ang mga nangyare bago mahulog si jommel sa rooftop..

 

habang naglalakad si jc napahinto ito ng madaanan niya ang pwestong kinabagsakan ni jom.

 

habang tulala na nakitingin si jc sa kinabagsakan ni jom, naramdaman niyang

 

may tumulo sa muka niya. nang hawakan ito ni jc.. nagulat ito ng makita niya na dugo pala

 

ang pumatak sa muka niya. bigla siyang tumingin sa taas at nakakita siya ng anino na parang nakatingin din sa kanya.

 

"Mr. Bornillo" tawag sa kanya ng nagiimbistiga. napalingon si jc sa naiimbistiga.

 

"magpahinga na lng muna kayo, mukang di ko pa kayo makakausap ng matino ngayon, ipagpatuloy nalang natin

 

ang usapan sa mga susunod na araw at dapat kasama mo na ang parents mo ok?" wika ng nagiimbistiga.

 

"Ok po sir, cge po mauna na po ako". sagot ni jc

 

ng umalis ang nagiimbistiga, tumingala ulit si Jc sa taas, ngunit wala na doon

 

ang aninong nakita niya kanina. biglang na alala ni jc na nakalimutan niya pala yung cellphone

 

niya sa loob ng music room. naiwan niya ito na nakapatong sa piano dahil sa pag mamadali nito kanina umakyat sa roof top.

 

bumalik si jc sa taas para kuhain ang cellphone na naiwan. pagkarating sa corridor papunta na sa music room.

 

biglang tumunog ang piano sa loob ng music room.

 

Wariy may tumutugtog sa loob ng music room. biglang pumasok sa utak ni jc na ang tunog 

 

ay yung piyesa na ibinigay nito kay jom para pagaralan. biglang nangilabot ang buong katawan ni jc. halos di maipinta ang muka sa sobrang takot 

 

na nararamdaman. ngunit malakas parin ang loob nito at tumuloy parin ito papunta sa music room. nasa tapat

 

na ng music room si jc at biglang binuksan ang music room.

 

ng biglang binuksan ni Jc ang pintuan ng music rum biglang nawala ang tunog..

 

kinuha na ni jc ang cellphone niya sa ibabaw ng piano at dumiretso sa cr sa back stage para

 

maghilamos. habang naghihilamos si jc. biglang tumunog nanaman ang piano sa labas. ngunit sa pagkakataong ito

 

isang napaka lungkot na tunog ang kanyang naririnig. lumabas si jc ng cr at tiningnan ang labas..

 

isang malamig na bulong ang narinig ni jc.

 

"bakit di mo sinabi ang totoo?"

 

"Sinu ka!??" sigaw ni jc

 

"Bakit hindi mo sinabi ang Totoo?" unti unting lumalakas. parang papalapit sa kanya ang boses.

 

"sinu ka!!??.. magpakita ka saken!" takot na sigaw ni Jc

 

Isang malakas na sigaw nalang ang tanging narinig ng gabing yon.....

 




Itutuloy...

 

 

 

 



No comments: