Chapter 5 [ Cellphone ]
Isang linggo ang lumipas...
"tol san ka na ba?" txt ni jc kay jom, ilang minuto lang
tumunog ang cellphone ni jc na nakapatong sa taas ng piano..
mag aalas singko na ng hapong yun..
nag aagaw na ang dilim sa liwanag..
"di ako makakapunta sa praktis natin ngaun.. " reply nito kay jc.
"ha tae! baket..anu nanaman bang problema nitong taong to..hay buhay" wika nito sa sarili..
di nagtagal tumunog ulit ang phone ni jc
"tol bahala na kau diyan..pasensiya na sa lahat" pagkabasa na pagkabasa nito sa text ni
joms agad tong tumakbo palabas ng music hall..
"tarantado ka joms..tigilan mo to wag sana"
bulong nito sa sarili habang papaakyat si jc sa rooftop ng
alexander Hall nabunggo niya si michael paakyat ng fourth floor
"pasensya na tol" paumanhin nito kay michael..
tumuloy si jc paakyat hanggang rooftop..
hanggang sa marating nito ang tuktok pag bukas ng pinto ilang metro lang ang layo
ni joms mula sa pintuan hawak ang cellphone
may kausap sa phone..
"jommel" tawag ni jc sa kaibigan..
lumingon si jommel ngunit bumaling ito ng tingin pabalik kung saan ito nakaharap..
"panu mo nalaman na nandito ako?" tanong nito kay jc na may malalim na tono..
"Dito ka naman lage natambay pag may problema ka diba, jom tara na baba na tau" yaya nito sa kaibigan
"mamaya na iwan mo nlng muna ako tol..baba nalang ako mamaya" wika nito
"kinancel ko na ang praktis ngaun anu bang problema tol?"
tanong nito sa kaibigan isang hakbang sana ang gagawin ni jc
papunta kay jom ng bigla itong magsalita
"wag munang tangkaing lumapit tol" wika nito
"tol ayoko ng iniisip mo ah, tara na bumaba na tau"
"ilang beses ko bang sasabhn sau na bababa nalng ako gs2 mo mauna pa ko sayo bumaba!"
sigaw na sagot nito kay jc
"tol kung ano mang iniisip mo ngaun wag mo na ituloy" wika ni jc humarap si joms tumutulo luha,
isang hakbang nalang patalikod at tuluyan ng mahuhulog si jom
"tol di mo ba ko naiintindhan! bakt ba ang kulit muh"
Unti unting lumalapit si jc kay joms para akayin pababa
"tol ilang beses ko na rin ba sasabhn sau na hindi mo kasalanan
ang nangyareng pagkamatay ni lissa!" wika nito habang lumalapit kay jom
"akala mo ba madali lng isipin yun!" sagot ni jom halos katapat na ni jc si jom
nang hawakan ni jc ang balikat ni jom pumiglas ito
at tuluyang nawalan ng balanse na naging dahilan
sa pagkahulog nito mula sa roof top ng alexander hall..
"trixie nalagay ko na sa desk ni mam ung proj mo" wika ni michael kay trixie
"maraming salamat kel, tara na uwi na tayo" tugon ni trixie
paalis na ng kinatatayuan sila michael at trixie ng biglang may lumagabog na malakas,
pakiramdam nila nasa tabi lng nila ang bumagsak,
paglingon ni trixie sa kabilang gilid
kitang kita niya kung panu nadurog at nabasag
ang bungo ni jom dahil sa lakas ng pagbagsak nito
mula sa pagkakahulog sa rooftop..
tulala si trixie sa nakita..
"put*ng I*a!!!" sigaw ni michael ng makita ang mga talsik
ng dugo sa uniform niya napalingon si michael sa taas
nakita niyang nakadungaw si jc..
agad na inalis ni jc ang tingin sa baba ng makita
na nakitingin sa kanya si kel
ngayong nadagdagan ang bilang ng namatay sa campus..
anung panibagong problema nanaman kaya ang haharapin ng mga kabataang ito.
ano ang kapalaran ang naghihintay kay jc dahil sa sinapit ng kaibigan nito na si jommel...
Itutuloy...
No comments:
Post a Comment