Saturday, December 15, 2012

Kalampag sa Papag 8






Chapter 8 [ Malikmata ]




tinulungan ni kel si jc palabas ng music hall..

pag labas nila sa music hall.

"kel!.." sigaw ni trix..tumakbo ito papunta kila kel..

"oh si jc!" gulat nito ng makita niya na akbay ni kel si jc..

"anu ngyare sa kanya?" tanong ni trix.

"mamaya na tayo magusap..tara dalhin nalang natin si jc sa ospital" wika ni kel..

"teka yung hihiramin mong libro.." sagot ni trix..

"wag na hayaan mo nalang.."

"eh kung sa clinic mo nlng kaya dalhin si jc.."

"anung magagawa ng clinic sa sitwasyon ni jc ngayon tsaka malalman pa ng school director natin"

"sabagay..tara na.."



sa clinic..

"aaahg"

"pau si mich gising na" wika ni jane

"mich ok ka na??" tanong ni pau..

 "medyo ok na nanaman nahihilo lang ng konti" sagot nito habang umuupo galing sa

pagkakahiga..

"ano bang nangyari sayo kanina?" tanong ni jane

"Hindi ko alam bigla akong nahilo tapos.. may mga white na ilaw akong nakita na papalapit

saken..pero ng malapit na to sakin bigla itong nawala..tapos di ko na alam ang nangyari nagising 

nalang ako nandito na ko" paliwanag ni mich

biglang naalala ni mich na nakalimutan niya ang library card niya..

"Sabi ko na nga ba nakalimutan ko yung library card ko kanina habang nagsasauli ng libro eh..

tara puntahan na natin bago magsara ang library" yaya nito sa kaibigan

"eh teka ok ka na ba?" tanong ulit ni pau

"oo ok na no..kelangan ko lng makuha ung card ko" wika ni mich..

lumabas na sila ng clinic at pumunta ng library, habang naglalakad sila mich pau at jane sa corridor saktong nasalubong nila sila michael, trixie at jc naglalakad papa labas na ng school..tinitingnan ni mich kung sinu yung nakaakbay kay michael na parang hinang hina..

ng saktong magkakasalubungan na ang dalawang grupo tumingin si jc sa mata ni mich at biglang ngumiti na parang sinapian ang itsura. nang makalagpas na ng bahagya sila michael kila mich. bigla nanaman sumakit ang ulo ni mich at napaupo..

"Michiko!" sigaw ni pau habang hawak sa balikat si mich

"sabi ko naman sayo mich. kaya ka nga namin tinatanong kung kaya mo na. anu ba naman to oh. wag mo na muna kunin yung library card mo bukas nalang natin kuhain" wika ni jane

"Ma-may na-nakita ako" wika ni mich habang nauutal

"huh anong nakita mo?" tanong ni pau

"Ma-may ko-koko-kotse. may masasagasaan. may mamatay" wika nito habang nakatulala..

"Aaaaaah!" sigaw na lang ni mich ang bumalahaw sa buong campus na gabing yun..at nawalan ulit ng malay..



"trix. heto cellphone ko tawagan mo sila jepoy sabihin mo medyo malelate tayo" wika ni kel habang inaabot yung cellphone kay trix.

Pinaandar na ni kel ang kotse. pero ayaw mag start.."badtrip naman bakit ngayon pa!" inis na sabi nito. makailang ulit niyang sinubukan at mga ilang minuto lang umandar na ang kotse.

nakaupo si trix katabi ng driver seat at si jc lang ang nakaupo sa likod. umaambon na ng gabing yon at napaka lakas ng hangin.

"teka natawag si kel" wika ni jepoy

"hello, kel san na kayo?"

"Poy si trixie to"

"Oh trix nasan na kayo?"

"may pupuntahan lang kami ni michael medyo matatagalan kami basta hintayin niyo kami diyan"

"Saan ba kayo pupunta?"

"basta hintayin niyo nalang kami"

"teka.."

toot..toooot..tooot

"Oh anong sabi jepoy?.." tanong ni aby

"May pupuntahan pa daw sila ni michael" sagot ni jepoy

"Saan naman daw sila pupunta?" tanong ulit ni aby

"basta daw hintayin daw natin sila"

"alamo ang labo na talaga aaa. ang wirdo na talaga nila.. hay ewan!"

napansin ni aby na Nilipad na ang mga damit na nakasampay sa labas ng terrace. Agad itong pinuntahan ni Aby para kunin.

"ay siya! jepoy tulungan mo ko dali!" sigaw nito kay jepoy.

Agad tumakbo si jepoy sa terrace ng condo studio ni Aby para tulungan ito, nang makuha na nila lahat ng damit inilapag nila ito sa sofa.

"ay grabe ang lakas ng hangin! may bagyo ba?" tanong ni Aby kay Jepoy

"aba malay ko, kanina lang sobrang dilim diba" sagot ni jepoy habang binubuksan ang T.V

Biglang kumulog ng malakas. napasigaw si Aby sa sobrang gulat. At nagsimula ng bumuhos ang napakalakas na ulan.

Toot-toot toot-toot! tumunog ang cellphone ni Aby.

"Aby ang lakas ng ulan. 5mins. nandyan na ko sa studio" Text ni Kring 

"Oh nagtext na si kring nandito na raw siya mga 5 mins." Wika ni aby kay Jepoy

"Di ba niya kasama sila Kel at Trix?" Tanong ni Jepoy

"Hay ewan ko sa kanila bahala na sila malalaki na sila" Sagot ni Aby at mukhang naiirita na siya.

"Grabe Ang Lakas ng ulan" Wika ni Trixie

"oo nga e. zero visibility na ang hirap mag drive" Wika ni michael

Sa sobrang lakas ng ulan. halos wala na siyang makita.

"teka ihinto mo nalang muna yung sasakyan" wika ni Trix

Inapakan ni kel ang preno pero ayaw kumagat nito. Ilang ulit niya ito ginawa pero ayaw talaga.

"kel ihinto mo muna yung sasakyan!" Sigaw ni Trix

"Teka wag mo ko sigawan, Ginagawa ko na nga e!" wika nito

"ayaw trix!" Sigaw nito

"ano! f*ck!" wika ni trixie

"kel may tao! iliko mo!" Sigaw ni trix habang nakaturo sa babae

Iniwasan ni Michael ang babaeng nakatayo sa harapan nila. Hindi nila nakita ang muka nito dahil sa sobrang labo na ng salamin ng sasakyan sa bandang harapan. halos nagmoist na ang buong bintana dahil sa sobrang lakas ng ulan. Sa pagkakaiwas nila Kel sa babae. Sumalpok ang sasakyan nila sa isang poste ng naging dahilan ng kanilang pagkamatay.. ilang minuto lang lumipas. Biglang sumabog ang sasakyan nila kel. Kasabay ng pagsabog ng sasakyan nila kel ang pagkulog ng napakalakas..








Itutuloy....


No comments: