Thursday, December 27, 2012

Kalampag sa Papag 10



Chapter 10 [ Mga Panaginip ]




Salamat sa mga Nagbasa sa Chapter 9 [ Anino ] pasensya na medyo maikli pero naapreciate ko yung pagbasa niyo :D Sana tuloy tuloy lang kayo sa pag subaybay..
===================================================
Lumabas si kring sa Condo unit ni Aby na may dalang takot, kaba, at pagkalito sa mga nangyayari.

Hindi inalintana ang damit nito sa kung anung magiging reaksyon ng mga taong makakasalubong nito dahil ng 
madulas ito sa Condo ni Aby ay sumalampak siya sa dugo na nung inakala lang niya ay tubig lang mula sa malakas na 
ulan galing sa terrace.

Naisipan ni kring maghagdan nalang pababa kaysa mag Elevator dahil alam niyang maraming makakakita sa kanya 
kapag dun siya dumaan tinext niya si klein para ipaalam dito na nandun siya sa Condo.

Dumaan si kring sa Fire Exit para gumamit ng Hagdan. Mula sa 6th floor kung san nandun nandun ang unit ni Aby 
tinahak ni kring ang hagdan pababa ng 5th floor.

Mula 5th Floor laking Gulat at napahinto si Kring ng sumalubong sa kanya si Aby at paakyat ito ngunit ito ay nakayuko 
lang at parang nagmamadaling umakyat.

"Aby!!!" Sigaw ni Kring habang nakatingin kay Aby paakyat.

Ngunit hindi ito nilingon nung Aby na nakita niya..

Ibinalik ni kring ang lingon sa hagdan pababa ng 4th Floor.

Ngunit nagulat ito dahil nasa harap niya si Aby nakatayo, Nakayuko..

Napasandal si Kring sa pader sa sobrang Gulat at sobrang takot na takot.

Isang Bulong lang ang narinig niya kay Aby "Ikaw Ang May kasalanan ng lahat ng ito! Maghihiganti siya sayo! Papatayin 
niya tayong lahat" At muli itong tumakbo paakyat ng 6th floor.

Sa sobrang takot ni kring napaupo ito. at parang batang nag takip ng tenga dahil sa narinig niya.

Maya maya May narinig nanaman siyang nagsalita
Paglingon ni kring si Trixie ganun din ang sinabi pero sa pagkakataon na to. gumagapang ito paakyat ng 6th floor.
paulit ulit lang ang nangyayari Pagkatapos ni Aby si Trixie..
Dahil sa sobrang takot ni kring hindi niya namalayan na nahimatay na pala siya.
Nagising si Kring nasa kwarto na siya ng sa bahay nila nakahiga. Sa pagunat nito di niya namalayan na nasagi niya 
yung phone niya kaya bumagsak ito sa sahig ngunit di pa rin niya ito pinansin.
Hingal na hingal si Kring parang tumakbo sa isang marathon at pawis na pawis. Nagulat din siya sa Set up na bakit 
nandun na siya sa kwarto niya eh kanina nasa Condo lang siya ni Aby.
Hindi niya tuloy mawari kung Panaginip lang ba yung nangyari sa Condo ni Aby o baka panaginip ang nangyayari sa 
kanya ngayon na nasa bahay nila at nasa kwarto niya.
Napatingin si kring sa orasan na nakapatong sa desk niya kung saan nakalagay ito sa ibaba ng bintana ng kwarto niya. 
11:30 na ng gabi Tumayo siya sa pagkakahiga sa papag para magpunta sa C.R. Ngunit ng akmang tatayo na siya mula 
sa pagkakahiga. Naramdaman niyang di niya maigalaw ang buong katawan. naaninag nalang niya na may nakahawak 
sa dalawang kamay niya at dalawang paa niya dalawang babae duguan ang Itsura ngunit di masyado makita ang mga 
muka dahil ang mga buhok nila ay nakaharang sa kanilang mga muka.
Nagpumilit si kring sa pagpipiglas. Sumisigaw ito pero parang nabibingi siya dahil hindi niya marinig ang kanyang mga 
sigaw. Para siyang nabingi sa mga nangyayari. Sa pagkakahiga niya ng nakatihayanapansing siyang gumagalaw ang 
kisame na parang naging isang goma at ilang sandali lang ay bumakat sa kisame ang isang muka. Nagsisigaw si 
Kring pero ganun parin wala pa rin siyang naririnig.. Nang Biglang tumagos sa Kisame ang isang babaeng duguan at 
bumagsak ito sa kanya.
Nagising si Kring nasa kwarto na siya sa bahay nila nakahiga. Sa pagunat nito di niya namalayan na nasagi niya yung 
phone niya kaya bumagsak ito sa sahig ngunit di pa rin niya ito pinansin.
Hingal na hingal si Kring parang tumakbo sa isang marathon at pawis na pawis. Nagulat din siya sa Set up na bakit 
nandun nanaman siya sa kwaro niya nakahiga sa papag.
Hindi niya tuloy mawari kung Panaginip lang ba yung nangyari sa Condo ni Aby o baka panaginip ang nangyayari sa 
kanya kanina na nasa bahay nila at nasa kwarto niya.
Biglang nag ring ang phone ni kring umupo siya mula sa pagkakahiga may halong takot, pagkalito na ang kanyang 
nararamdaman para na siyang nasisiraan ng bait sa mga nangyayari sa kanya.
Tiningnan niya ang Phone niya na nasa lapag inaninag kung yun ba talaga ang tumutunog. Nakita niya ito umiilaw at 
nanginginig dahil sa vibration.
Agad niya itong kinuha at ng makita na si Klein ang tumatawag Agad niya ito sinagot.
"Hello! Klein Nasan ka!??" sigaw ni Kring. Ngunit walang sumasagot sa kabilang Linya..
Puro tunog lang ng walang signal ng radyo ang kanyang naririnig..
"Klein san ka?? Please sumagot ka?" Muling bigkas ng bibig ni Kring na nagmamakaawa na parang batang takot na takot..
Ng Biglang May sumigaw sa kabilang linya. sobrang tinis ng boses. Iknagulat ni kring ang kanyang narinig at dahil sa 
pagkakagulat naitapon niya ang cellphone niya at bumagsak ito sa sahig..
Nagising si Kring nasa kwarto na siya sa bahay nila nakahiga. Sa pagunat nito di niya namalayan na nasagi niya yung 
phone niya kaya bumagsak ito sa sahig ngunit di pa rin niya ito pinansin.
Hingal na hingal si Kring parang tumakbo sa isang marathon at pawis na pawis. Nagulat din siya sa Set up na bakit 
nandun nanaman siya sa kwaro niya nakahiga sa papag.
Agad siyang umupo kinuha ang nalalag na phone at tinawagan agad ang boyfriend niya si Klein.
Nag ring ang kabilang linya. May sumagot.
"Hello? Sinu ito" Tanong sa kabilang Linya. Babae ang nakasagot. Nagulat si Kring sa narinig.
"Girlfriend ni klein to sino ka?!!" Galit na pasabi ni kring.  
Biglang nagiba ang boses ng nagsasalita "hindi ka na makakaligtas. Nakatadhana na sayo. Mamatay silang lahat. At 
ang lahat ay dahil sayo. Ikaw ang may kasalan kung bakit sila namatay" ... 
Sa pagkakataong yon. natulala nalang si kring at tumulo ang mga luha..
Napasigaw nalang siya sa sobrang gulo na ng nangyayari sa buhay niya.
Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!




Pagkalito at Pagkatakot ang nanaig sa nararamdaman ni Kring dahil sa mga nangyayari. Ngunit hanggang kelan 
mangyayari ang mga gantong bagay. Kelan ito matatapos. Anu ba talaga ang Kinalaman ni Kring sa mga Nangyayari. 
Bakit tuluyan siyang sinusundan ng mga kaluluwa. Sa buhay ng tao may mga darating na di natin inaasahan may mga 
panahong makakaramdam tayo ng inggit at pagakalumbay. Minsan Mararamdaman din natin na parang magisa lang 
tayo sa mundo. Walang nakakaintindi. Walang gustong makipag kaibigan..

Sino pa ang Madadamay? Sino ba talaga si Kring? Bakit Siya Sinusundan ng mga kaluluwa at nagpaparamdam ito sa 
kanya? Bakit kelangan pang may mga mamatay at may madamay?

=========================================

Thanks for Reading my KALAMPAG SA PAPAG CHAPTER 10
Keep on reading guys.. salamat sa walang sawang pagsuporta sa ginagawa kong kwento.
Kahit na konti lang kayo at mga silent readers pa naapreciate ko yun!
I LOVE YOU ALL.

No comments: