Thursday, December 27, 2012

Kalampag sa Papag 12




Chapter 12 [ Si Michiko ]





"Kring! ano ba? San ka pupunta!?" Sigaw ni Klein. Hinabol niya si Kring sa loob na campus.
"Bakit bukas ang Gate ng School?" Nasabi ni Klein sa sarili ng mapadaan sa gate ng campus.
"Kriiiiiiiiiiing" Umalingawngaw ang sigaw ni Klein sa buong Corridor na siyang biglaang pag gising ni Mich.
===============================================
"Kring!" Sigaw ni Michiko at biglaang pagmulat..
"Pauline Gising na si Mich!" Sigaw ni Jane habang inaalalayan si Michiko umupo mula sa pagkakahiga sa sofa.
"Nasaan na tayo" tanong ni Mich kay Jane.
"Ano ka ba nandito tayo sa lobby ng condo ni Abby. Naabutan ka namin dito na walang malay, Sabi ng receptionist 
hinimatay ka daw.. Ano ba kasing nangyayaring sayo? Michiko tama na Please umuwi na tayo magpahinga ka na 
pagod na pagod ka na oh" Pagmamakaawa ni Jane kay Mich. Nagtatakbo si Pau papasok sa lobby.
"Ano Mich ok ka na ba? Tama na kasi to. Ano ba kasing nangyayari sayo?" Napaupo si Pau sa sofa ng Lobby. 
"Tinawagan ko na yung Driver namin. nagpasundo ako sabi ko isasabay ko kayo" Mahinang sabi ni Pau habang 
nakatingin kay Michiko at Jane.
 "Mam!!!" Sigaw ng Receptionist at bakas sa muka nito ang labis na pagkagulat
"May nag-intercom po galing sa taas natagpuan pong patay ang tao dun sa unit na tinatanong ninyo dalawa po ang 
natagpuang pata yung isa po lalaki tumawag na po kami ng SOCO para imbistigahan ang mga nangyari" Nanginginig 
at takot na takot na sinabi ng receptionist.
"What!!?" Napatayo si Mich at halata sa postura ang pagkagulat. Tumayo si Jane para akayin si Mich na kumalma lang, 
samantalang si Pau naman ay natulala dahil sa narinig.
"Pau! I told you! Kelangan na nila ng tulong! Hindi siya titigil hanggat hindi sila nauubos!" Pasigaw ni Michiko.
"Hanggat di tayo nauubos.." Mahinang pagbanggit ni Jane.
"Pero Michiko pano natin matutulungan si Kring eh wala nga tayong kaalam alam kung nasaan siya ngayon" Sagot ni 
Pau. Agad na lumapit si Mich sa receptionist at nagtanong.
"Mis May Bumisita ba sa unit ni Aby kanina?" Tanong ni Michiko. Agad na kinuha ng receptionist ang talaan ng mga 
guest at tiningnan.
"Mam meron po Kristina po ang pangalan" Wika ng receptionist at ipinakita ang talaan ng mga guest kay Michiko. 
Binasa ulit ni Michiko ang Talaan. 
"Base sa nakasulat dito mag alas nwebe ng gabi pumunta si Kring" wika ni Mich. Mas nanlaki ang mata ni Mich dahil 
sumunod sa nakasulat ni Kring ang pangalan ni Klein tiningnan niya ang oras ng lagda halos tatlumpung minuto ang 
pagitan. Mas ikinilaki ng mata ni mich ang nakitang walang lagda ang oras ng pagalis ng dalawang magkasintahan. 
Hindi na ipinaalam ni Michiko sa babae ang nakalimutang lagda, Isinara nalang niya ang talaan at ibinalik na ito sa 
babae. Agad na lumapit si Mich Kina Pau at Jane, umupo ito at pinalapit ang dalawa sa kanya.
"Nakita ko sa talaan na magkasunod na dumating si Kring at Klein kanina, malamang magkasama sila ngayon." 
Mahinang sabi ni Michiko sa dalawa.
"Pero nasaan nga ba sila??" Tanong ni Jane. Biglang nagring ang cellphone ni Pau tumawag ang driver papasok na 
daw ng condo ang sasakyan. Aakmang tatayo na sana si Mich ng muling mahimatay nanaman ito.
"Michiko!" Biglang tayo ni Jane at napahawak kay Mich. Tatawag na sana ng Medic ang receptionist pero pinigilan ito ni 
Pau dahil sila nalang daw ang bahala kay Mich tutal andyan na yung sasakyan. Bumaba ang driver nila Pau para 
buhatin si Mich pasakay ng sasakyan. at umalis na sila.
===========================================
"Pero Manang Hindi naman ho ganung kadali ang sinasabi niyo, akala ko ho ba nagkaunawan na tayo nung unang 
paguusap natin. Saamin na lumaki ang bata kami na ang kinikilalang pamilya mahirap din po sa kalagayan niya ang 
mangyayari." Pagmamakaawa ng nanay nila Kring sa matanda
"Ito ho ang Lampin ng makuha namin siya sa labas ng aming bakuran, wag ho kayong magalala dahil sinunod namin 
ang lahat ng nakasulat sa papel na nakaipit dyan. Pati ho ang gusto niyong pangalan na Kristina ay ipinangalan po 
namin sa kanya" Pahabol ng nanay nila Kring.
Mula sa pintuan ng kwarto nakadungaw ang batang Kring at inaaninag ang naguusap. Di niya alam at naiintindihan ang 
pinaguusapan ng kanyang ina at ng matanda. Nakikinig lang ito at nagmamasid mula sa uwang ng pintuan. 
"Ate anong ginagawa mo diyan? bakit ka nakikinig sa usapan ng mga matatanda?" tanong ni cham. Agad naman 
humarap sa kanila si Kring at sumimangot
"Eh ano bang pakealam niyo! tsaka bakit ba kayo nandito?" pagsusungit ni Kring.
"Eh masama kaya ang makinig sa usapan ng mga matatanda. Diba Michiko?" Pagkumpirma ni Cham. Agad naman 
yumuko yuko lang ang batang michiko senyales ng pagsangayon dito.
"Bakit niyo ba ko pinapakealaman! Alis nga!" tinulak  ng batang Kring si Cham na naging sanhi ng pagkasubsob nito sa 
sahig. Umalis si Kring at dumiresto sa kwarto niya samantalang inalalayan naman ni Michiko si Cham para tumayo.
"Oh Chamine anong ginagawa niyo rito ni Mich sa tapat ng kwarto?" wika ng ina nila cham.
"Sige ho mam mauna na ho kami ng apo kong si michiko." paalam ng matanda.
Mag gagabi na ng makauwi ang mag lola sa bahay nila. Mabuti nalang nagsaing na si manang bago umalis ng bahay 
at sakto namang may tirang ulam pa sila kaninang tangahali kaya ininit nalang ito ng lola ni Michiko. Habang kumakain 
ang mag lola may nabuong tanong sa isipan ang batang Michiko.
"Lola bakit po ba tayo balik ng balik dun sa malaking bahay? ano po ba ang pinaguusapan niyo ng nanay nila Chamine 
at Kring?" Tanong ng isang walang kamuang muang na batang babae habang may lamang pagkain ang bibig dahil 
nakabukol pa ang pisngi halatang may laman pang pagkain at sa di maayos na pagsasalita.
"Bawal magsalita habang may laman pa ang bibig" Saway ng lola sa batang Michiko. Nang malinok na ang buong 
nginunguya ay uminom muna ito ng tubig at nagtanong ulit.
"Lola bakit po ba?" muling tanong ng batang Michiko. Tila naghahanap ng kasagutan ang munting bata dahil sa di 
mawari sa utak kung bakit ba sila balik ng balik sa malaking bahay.
Tumayo ang lola ni Michiko pumunta sa kwarto. Nagtaka naman ang bata kung bakit umalis ang kanyang lola. Nang ito 
ay bumalik may dala itong lampin. Inilatag ang lampin sa lamesa.
"Kaninong lampin po yan lola? eh ang alam ko pa wala na po akong mga lampin" Pagtatakang tanong muli ng batang 
Michiko.
"Sa Kapatid mo to" mahinahong sabi ng matanda.Dahil sa pagkakarinig sa sinabi ng matanda. Halos di makapaniwala 
si Michiko sa kanyang narinig.
"Heto o tingnan mo.. nakaburda ang pangalan ng ate mo dito"
"Pero lola akala ko ho nagiisang anak lang ako.. " Natahimik ang batang Michiko at napaisip "Eh lola ang sabi mo po 
meron akong kapatid at ate ko siya nasaan po siya ngayon?" Tanong ni Michiko sa lola niya. 

Niyakap ng lola ang batang Minichiko. "Balang araw maiintindihan mo rin ang lahat" Iniharap niya ang batang babae sa 
kanya. "Basta magkikita rin kayo ng kapatid mo, Nakita ko na siya nakatira siya sa isang masayang pamilya at mabuti 
ang kalagayan ng kapatid mo doon. tsaka malaki ang bahay nila doon." wika ng Lola.
"Eh lola bakit hindi po siya umuuwi dito saatin? bakit po hindi.."
"hayaan mo na apo.. diba ang sabi ko rin sayo magkikita rin kayo ng kapatid mo pero matagal pang panahon.. Sige na 
tapusin mo na yang kinakain mo.." Pagputol ng lola niya..
Tanging pangalan lang ng kapatid ni Mich ang kanyang naalala dahil sa nakaburda ito sa lampin na inilabas at 
ipinakita sa kanya ng lola niya. " K R I S T I N A"
========================================
"Kriiiiing????? nasaan ka ba?" Sigaw ni Klein sa corridor habang naglalakad.
========================================
Michiko's Points Of View:
Nagising ako ng nasa sasakyan na ko nila Pauline. Naiintindihan ko na kung bakit ganun nalang ang nangyayari sa 
akin. Halos mapagtagpi-tagpi ko na ang bawat eksena sa tuwing nawawalan ako ng malay at mananaginip. Sa totoo 
lang napapanuod ko lang ang mga ganitong pangyayari sa buhay ko sa mga pelikula pero ngayon masasabi ko na 
totoong nangyayari ito. Ang Lampin na ipinakita sa akin ni Lola na may pangalang Kristina at ang pangalan sa talaan ng 
mga bisita sa lobby ng Condo ay iisa " K R I S T I N A ". Hindi ko alam kung siya ba talaga ang hinahanap kong kapatid 
ko pero nararamdaman ko sa sarili ko na totoo ito, na ang lahat ay parang sumasangayon, na ang bawat pangyayari ay 
talagang naaayon. Si
" K R I S T I N A "
at ang aking Kapatid na matagal ko ng hinahanap ay iisa.
==========================================
"Manong pakidaan naman ho kami sa school" Wika ni Michiko sa driver.
"Kuya no! dont mind her basta direcho tayo sa bahay tapos" Pagtanggi ni Pau.
"Pero Pau! mapapahamak kapatid ko!" sigaw ni Mich.
"Michiko ano bang nangyayari sayo... Ngayon sinasabi mo na si Kring ay kapatid mo?" Pagkalitong tanong ni Jane.
"Kelangan mo na talaga magpahinga mich! Hindi mo na alam mga pinagsasabi mo!" Dugtong ni Pau.
"Ihinto niyo ang sasakyan!" Sigaw ni Mich. Pero di parin siya pinansin ng driver at tuloy tuloy parin ito sa pagmamaneho.
"Ihinto niyo sabi eh!" Nagcrack na ang boses ni Michiko at nagsimulang tumulo ang luha niya.
"Sinabi ng ihinto nyo!" tuloy tuloy na ang pag iyak ni Michiko, samantalang si Jane naman ay hinimas himas ang Likod 
ni Mich. 
Humito ang sasakyan.
"Look Mich ganito nanaman ba ulit ang eksena? Magpupumilit ka nanaman ba? Alamo nababaliw ka na!" Sigaw ni Pau.
"Pau huminahon ka nga muna pwede bang intindihin muna natin si Mich?" Pagpapahinahon niya kay Pau.
Natahimik ang Buong loob ng sasakyan. nagpapakiramdaman at di nagtagal 
"Napapagod din naman ako eh. Sa totoo lang Hirap na hirap na ko. Hindi lang naman kayo ang nahihirapan eh, 
sobrang nahihiya na ko sa inyo dahil hanggang dito sinasamahan niyo parin ako.." Tuloy tuloy lang ang iyak ni Mich.
"Pasensya na talaga Mich Pero di ka namin magawang iwan di magkakaibigan tayo? Diba friendship forever?" wika ni 
Pau. medyo teary eyes na din siya.
"Oo nga Friendship Forever" Umiiyak na dagdag ni Jane.
"Basta ikwekwento mo samin lahat pagkatapos nito" Nakangiting wika ni Pau.
"Oo naman..pramis" nakangiting tugon ni Mich
"Kuya tara na sa skul" utos ni Pau sa driver..
==================================================
"Aaaaaaaaaaaah!" 
Isang Sigaw ang narinig ni Klein habang tinatahak ang Kahabaan ng Corridor ng Campus. Alam niyang boses ni Kring 
yun, subalit ang ipinagtataka niya bakit walang mga gwardya na nagbabantay at bakit bukas ang campus.
"Kring! nasaan ka!?"
==================================================

Kalampag sa Papag 11



Chapter 11 [ Ala-ala ]





Sa lahat ng sumusubaybay keep in touch lang para malaman niyo ang twist ng Story hehe :D Siguro may mangilan ngilan na sa inyo na alam na o na prepredict na ang magiging tapos ng Story haha! :D Game!!!!!
 back to the story Again.
=========================================================





Nagising si Michiko mula sa pagkakatulog. Humihingal at pawis na pawis. Napaupo mula sa pagkakahiga. Nagpunas 
ng pawis at napaisip.
"Si Kring..." Sabi ni Michiko sa sarili... "kelangan niya ng tulong..."
Napalingon si Mich sa Cellphone niya na nakapatong sa ibabaw ng drawer katabi lang ng kanyang higaan. Agad niya 
itong  kinuha at tinawagan sila Pau at Jane.
"Hello Pau!... " Wika ni Mich. "Hello Mich napatawag ka. Girl its already late eve na and Im in the middle of my Sleeping 
Yoga" wika ni Pau sa kabilang linya at mukang nairita sa Pagkakatawag ni mich dahil sa biglaan niyang pagkagising. 
"So whats the problem?... Dont say na May Nakita ka nanaman na kung ano ano sa isip mo.." Dugtong ni Pau..
"Oo Pau! Meron Pau! And I Saw it! With my two eyes! It feels like Im in that Scene. Pau kailangan ni Kring ng Tulong.. 
Nasa Condo siya ni Aby Ngayon." 
 "Pero Mich... Bakit ba kailangan mong gawin to? Bakit mo kailangan silang tulungan? Mich may sarili kang buhay. 
Tayo.Sila. Were not.. I mean You.. Your not actually part of her life so dapat itigil mo na yang kakaisip ng mga ganyang 
bagay mich" Paliwanag ni Pau kay michiko.
"Pero Pau lahat ng nangyayari sa buhay natin ay may kahulugan.. Kaya ganto ang nangyayari sakin dahil may mga 
taong dapat bigyan ng tulong. Bakit ako nakakakita ng mga ganung pangyayare sa isip ko? alam mo Pau hindi ako 
malalagay sa ayos hanggang patuloy akong may nakikitang mga ganung bagay Basta magkita tayo sa Lobby ng Condo 
ni Aby..." 
"Pe-Pero Mich"
"Kung ayaw mo Pau Ok lang Basta kailangan na tong Matapos.. Pupunta ako kahit ako lang magisa bye".. tut-tut-tut
"Haaaaay! Lintek naman oh! Buhay nga naman oh!" Nasambit nalang ni Pau sa sarili.
"Hello?? Alam ko na kung bakit ka napatawag Nagtext na sakin si Michiko. Anu ba kasing Nangyayari dun. Alamo Pau 
sobrang Nawiwirduhan na ko sa nangyayari sa babaeng yun ah" Wika ni Jane sa Kabilang Linya.
"Oo nga friend kahit ako windang na windang na ko sa mga pinag gagawa nun. Wala naman tayong magagawa 
alangan naman pabayaan lang natin magisa yun. Sige na magkita tayo sa Lobby ng condo daw ni Aby. Bye" sagot ni 
Pau.
Nag ayos si Michiko, Nag palit ng damit.. Kinuha ang pouch bag na nakalagay sa ibabaw ng study table, inilagay ang 
cellphone doon at umalis na ito ng bahay. Agad pumara si Mich ng Taxi at pumunta na ito sa Condo ni Aby.
 Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Umalingaw-ngaw ang sigaw ni Kring sa Buong Kapaligiran. Nag-iba 
nanaman ang buong kapaligiran Kulay Sepia ang Buong Paligid kung ihahalintulad mo ito sa itsura ng isang litrato. 
Nakatayo si Kring at kaharap ang Isang Malaking Bahay.. May dalawang batang babaeng nagtatakbuhan.
"Cham Meryenda muna kayo dito." Tawag ng Isang babae na lumabas galing sa pintuan ng bahay.
"Ate tara tawag na tayo ni Mama.." wika ni cham sa kapatid habang nagaayos ng mga gamit nilang laruan.
"Anong Tayo?!! Ikaw lang kaya ang Tinawag kaya wag mo ko yayain. Pumasok ka na nga doon" sagot ng isang bata..
Nagiba ang paligid. Napunta si Kring sa isang Ospital. Kulay black and white ang buong paligid.
"Mam this is the result of the Lab test. Base sa Result po. Mababa po ang Mga buhay na Semilya ng asawa po ninyo 
Kaya maliit po ang Chance na magkaroon po kayo ng anak, Magkaroon man kayo eh Sobrang swerte niyo na po pag 
ganun" Sabi ng Doctor sa Mag-asawa.
Nagiba nanaman ang Lugar nakatayo nanaman siya sa tapat ng malaking bahay.
"Ate tara na pasok na tayo..." Pagpupumilit ni chamine. Hinawakan niya ang Kamay ng kausap pero pumiglas ito.
"Wag mo nga akong hawakan! Kung Gusto pumasok ikaw nalang! Umalis ka na nga" sigaw ng kausap nito.
Umiyak si Chamine
"Ate bakit ba lagi mo nalang akong inaaway.. Gusto ko bati lang tayo palagi. Ayokong Magkaaway tayo" humihikbing 
sinabi ni Cham.
 "Ewan ko sayo! Pwede ba tumigil ka na sa kakaiyak! nakakarinidi na boses mo lagi ka nalang umiiyak! hay! makaalis 
na nga dito". Pasigaw na sinabi ng kausap ni Cham. Umalis ito at pumasok na sa bahay.
Nag-iba nanaman ang Lugar pero ngayon nakatayo na siya sa isang simpleng bahay na lang.
Makakulimlim ang panahon na yun. Mukang uulan ng malakas. Malakas ang hangin. Nagliliparan ang mga tuyong 
dahon na galing sa puno ng mangga sa tabi ng bahay. Pamilyar si Kring sa Bahay na yun. Inaaninag niya ng mabuti 
ang itsura ng bahay. May lumabas na babae mula sa pintuan ng bahay at doon sigurado na siya na kilala na niya ang 
babaeng lumabas sa pinto ng bahay. Oo kilala niya. 
"Mama..." nabanggit ni kring sa sarili..
 Lumabas ang Babae sa bahay na may dalang Basket. Nagpunta sa sampayan para kuhain ang mga natuyong damit. 
Sa sobrang lakas ng hangin di magkanda ugaga ang babae na hawakan ang mga damit at ilagay sa basket. 
Di Lubos maisip ni kring kung anong nangyayari sa kanya sa mga sandaling yon. Para siyang Nakulong sa loob ng 
isang time warp na lumilipat lipat ng destinasyon, Panahon at pangyayari. May mga pangyayaring nakaka relate siya 
pero may ibang pangyayari naman na nagkakaroon siya ng mga munting katanungan. Kung Bakit? Sino? Ano? ang 
mga pangyayare na yun na nakikita niya.
Muling nagiba ang lugar. Nakatayo nanaman siya sa tapat ng Malaking bahay. Pero sa pagkakataon na yun. Si cham 
nalang ang natira sa labas ng bahay dahil nakapasok na sa loob yung babaeng kausap nito. Tinangka ni kring lapitan 
ang bata para kausapin.
"Bata.." tawag ni kring. 
Nakatalikod ang bata at umiiyak. Tinangka ni Kring hawakan ang Balikat ng Bata ng biglang humarap ito sa kanya 
Umiiyak ng dugo pero wala ng mata. Ngumiti ito kay kring at Nagsalita pero malalim ang boses.
"Mamamatay silang lahat! Mamamatay sila! at Ikaw ang may Dahilan ng pagkatamay nila. Ikaw ang dahilan"
Nagulat si Kring sa nakita. kayat napaatras ito. Nag-iba nanaman ang Paligid. Bumalik sa simpleng bahay pero 
nagwawalis na ang babae sa bakuran. Habang nagwawalis siya may narinig itong umiiyak na bata. Hinanap  niya kung 
san nanggagaling ang iyak. Hanggang sa makarating ito sa harapan ng gate. May karton na nakalagay sa tapat ng 
Gate. Nakumpirma niya na doon nanggagaling ang iyak. Walang anu anoy binuksan  ng babae ang karton at nakita ang 
isang sanggol na batang babae na nakabalot sa kumot.
"Pa! Pa!..." Sigaw ng babae habang kinukuha ang sanggol sa karton. Nang makarga ng babae ang sanggol. Lumingon 
lingon muna ito sa paligid nagmamasid kung may nakakita sa kanya at tsaka pumasok na sa loob ng bahay.
Nabuo sa utak ni Kring ang mga tanong na. Sino ang batang yon? Ampon ba ko? Sino si Chamine? Meron ba kong 
Kapatid na babae? Si Louie lang ba ang Kapatid ko?.
Biglang dumilim ang buong paligid..Bumukas ang isang ilaw sa harapan ni Kring at tumambad sa kanya ang isang 
Papag na puno ng Tunog. Animoy nawala sa sarili si Kring sa nakita, tulala at naluluha hinawakan ni kring ang kanyang 
ulo at umiiling iling, napaatras ng kaunti, yumuko at tinakpan ang muka. Ibang sakit ang naramdaman ni Kring ng 
makita ang papag na puro duguan, sa muling pagtingin ni Kring ay tumambad sa kanya ang mga katawan ng mga 
kaklase niya, Si Lissa na duguan ang Uniform, Si Jommel na Basag ang Bungo ng ulo, Si Kel, Trixie at Jc na duguan 
ang buong katawan, si Aby na may saksak sa leeg at si Jepoy na nakabigti, lahat sila ay nakatingin kay Kring at 
Nakangiti.
"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!" 
"Kring! Kring! gumising ka!" 
Hawak ni Klein si Kring sa dalawang balikat at pilit na ginigising..
"Kring Gumising ka!" 
Napadilat si Kring at  pawis na pawis, Pinunasan ni Klein ang nangingilid na luha ni Kring.
"Anong Nangyayari sayo? Bakit ka nandito sa Fire Exit?" Pagtatakang tanong ni klein..
"Lahat sila mamatay.. Lahat sila mamatay.."
tulalang sinasabi ni Kring, Nang Biglang tumingin ito sa mata ni Klein at nangingilid ang mga luha..
"Anong pinagsasabi mo? hindi kita maintindihan?"
"Wag mo ko iwan Klein.. Wag mo ko iwan"
Napayakap si Kring kay Klein ng sobrang higpit at tuluyan ng Bumagsak ang mga luha nito. Hinaplos ni Klein ang likod 
ni Kring..
"Wag ka mag alala pinapangako ko sayo di kita iiwan dito lang ako."
Tumayo na sila . Inalalayan ni Klein si Kring sa pagtayo at bumaba na. Nakarating sila ng lobby at dumiretso na kung 
saan naka park ang kotse ni Klein. Ilang minuto palang ang nakakalipas, dumating si Michiko sakay ng isang taxi, 
pumasok si michiko sa lobby ng condo at dumiretso sa reception area
"Yes Ma'am , Ano pong kailangan nila?" tanong ng isang receptionist na nakatayo malapit sa isang telepono
" Anong number po ba ang unit ni Ms. Aby Bernadino?" tanong ni mich
Nakaramdam ng pagkahilo si Michiko pagkatapos masambit ang sagot sa tanong ng receptionist, Nagdilim ang 
paningin ni Michiko at tuluyan itong nahimatay.
"Ma'am andyan na po si manang, papapasukin ko na po ba?"
" O sige, papasukin mo na, padiretsuhin mo na dito sakin."
"Mommy, mommy nakita niyo po ba si ate? Kanin ko pa po siya hinahanap"
"Baby, andiyan lang ang ate mo, baka may ginagawa lang siya,dun muna kayo sa labas may bisita si mommy."
"Ma'am andito na po si manang"
Pumasok si Manang sa kwarto kasama ang isang maliit na batang babae.
"Oh manang kamusta na ho kasama niyo kay gandang bata"
" Michiko ho, apo ko iniwan na kasi siya ng mga magulang niya sakin, kaya ako nalang ang nag-aalaga sa kanya."
"Halika nga dito"
Iniabot ng babae ang isang manika sa bata.
"Wow ang ganda po naman niyan"
"Gusto mo ba nito? Oh heto sayo nalang yan.."
"Maraming salamat po.." Hinalikan ng batang michiko ang babae..
"Andun sa labas ang mga anak ko.. Puntahan mo sila ng makalaro mo sila. maguusap lang kami ng lola mo.."
"sige po.."
Lumabas ang batang Michiko dala ang manikang bigay sa kanya ng Babae. Dumiretso ito sa sala at umupo. Habang 
naglalaro ang Batang Michiko may dumating na batang babae..
"Hi! ako nga pala si Chamine ano pangalan mo..?" Bati nito.
"Ako si Michiko.." sagot naman nito..
"Anung ginagawa mo dito? Sino kasama mo?" Tanong ni Cham
"Kasama ko si Lola ko kinakausap niya mama mo." wika ni Mich
"Ah pede ba tayong magkaibigan? Kanina ko pa kasi hinahanap ate ko di ko makita.."
Dumating ang ate ni Cham.. at agad na kinuha ang Manika..
"Akin to ah! Bakit nasayo to? Sino ka?" sigaw na sabi nito sa dalawa.
"Ate Sa kanya yan binigay ni mommy sa kanya yan! at wag mo siyang aawayin kaibigan ko siya" Pagdepensa ni 
Chamine sa bagong kaibigan..
Inihagin ni Kring ang manika sa dalawa at tumakbo na ito sa kwarto niya.. napaiyak si michiko sa nangyari..
"Wag ka na umiyak kaibigan.. Wala na si Ate. Pasensya ka na sa kanya. Pero mabait yun" Pagpapatahan ni Cham kay mich...
 Dumaan sila Klein sa isang gasoline station para bumili ng wet wipes para ipunas sa mga dugong kumapit sa 
katawan ni Kring na nakuha niya ng nadulas ito sa loob ng Condo Unit ni Aby.
"Babe Just Wait here Bili lang ako"
Isang tungo lang ang naisagot ni Kring kay Klein. Bumaba na si Klein ng sasakyan at pumasok na sa convenient store. 
Isinandal ni Kring ang Ulo sa Sandalan at pumikit, ngunit sa tuwing napapapikit ito bumabalik sa kanyang alala ang 
mga nangyari sa Condo unit ni Aby, maya maya ay biglang tumunog ang Cellphone ni Klein na nakapatong sa gilid ng 
emergency break. Kinuha ni Kring ang cellphone at binuksan.
"Hon.. Nasan ka na ba.. Kanina pa ko naghihintay dito sa house.."
Nanlaki ang mga mata ni Kring sa nabasa, nanikib ang kanyang dibdib at nanakit na parang tinutusok ng mga karayom 
ang puso ni Kring sa nararamdaman. Hindi alam ni Kring ang gagawin kung mananahimik ba siya o magwawala dahil 
sa sobrang dami nang nangyayari sa buhay niya. Gulong gulo na siya sa mga nangyayari sa isip isip niya na gusto na 
niyang magpahinga. Napasandal nalang si Kring at napapikit.. Sa muling pagmulat ni Kring nagpakita nanaman ang 
babaeng nasa kanyang bangungot, Nakatayo ito sa harap ng kotse at nakayuko.. muling ipinikit nalang ni Kring ang 
kanyang mga mata upang di na ito masilayan, nang may biglang humawak sa braso ni Kring.
"Aaaaah! Wag mo ko hawakan! Wag mo ko hawakan" Gulat na pasigaw ni Kring
"Kring! ako to Si Klein! nanaginip ka nanaman.. Ano bang nangyayari sayo..?" 
Muling napansin ni klein ang Dugong nasa katawan ni Kring at iniaabot ang wet wipes.
"Oh heto magpunas ka muna.."
At umalis na sila Klein sa Gasoline station. Habang nasa Biyahe. Tahimik lang si Kring at nakikiramdam. Ngunit gusto 
ng kumawala ng mga nasa utak ni Kring dahil sa nabasa niya sa Cellohone ni klein kanina. Tumunog nanaman ang 
Cellphone ni Klein at ng mga sandaling yun hindi na nakapagpigil si Kring.
"Klein paki hinto ng sasakyan.." Malumanay na sinabi ni Kring
"Bakit?.." Pagtatakang tanong ni Klein.
"Basta sinabi ng ihinto mo.." 
"Babe whats wrong with you?"
"Sinabi ng ihinto mo!" Pasigaw ng sinabi ni Kring
Inihinto ni Klein ang sasakyan, at saktong nasa harap sila ng Campus kung san sila nagsisipag aral.
"Ano bang Problema mo?" Inis na tanong ni Kein.
Hindi sinagot ni Kring ang tanong ni Klein, agad na bumaba ito sa kotse ngunit bumaba rin si klein ng mabilis.
"Sino yang babaeng nasa phone mo? Bakit hon ang tawag niya sayo?" Tanong ni Kring ngunit ang boses nito ay medyo 
mababa. nakaharap ito sa campus.
"What? Anong pinagsasabi mo?" Naglakad si klein papunta kay Kring. Ngunit pinigilan siya ni Kring na wag ng lumapit.
"Wag kang lalapit.." wika ni Kring.. nakaharap pa rin sa campus..
"Babe hindi ko kilala yun.. baka na wrong send lang yun or something" nasa harap na siya ng sasakyan.
Humarap si Kring.
"Alamo ayoko sa lahat yung taong napaka sinungaling.. Kakasabi mo lang sakin na hindi mo ko iiwan tapos ganto, At 
ano! ginagawa mo pa kong tanga!" Tumulo ang Luha ni Kring.. "Sinasabi mong Wrong Send eh nakasave sa phone mo 
ang number!" tumakbo si Kring sa loob ng campus. 
"Kring!"
Hinabol ni Klein si Kring sa loob..

==============================================

Kalampag sa Papag 10



Chapter 10 [ Mga Panaginip ]




Salamat sa mga Nagbasa sa Chapter 9 [ Anino ] pasensya na medyo maikli pero naapreciate ko yung pagbasa niyo :D Sana tuloy tuloy lang kayo sa pag subaybay..
===================================================
Lumabas si kring sa Condo unit ni Aby na may dalang takot, kaba, at pagkalito sa mga nangyayari.

Hindi inalintana ang damit nito sa kung anung magiging reaksyon ng mga taong makakasalubong nito dahil ng 
madulas ito sa Condo ni Aby ay sumalampak siya sa dugo na nung inakala lang niya ay tubig lang mula sa malakas na 
ulan galing sa terrace.

Naisipan ni kring maghagdan nalang pababa kaysa mag Elevator dahil alam niyang maraming makakakita sa kanya 
kapag dun siya dumaan tinext niya si klein para ipaalam dito na nandun siya sa Condo.

Dumaan si kring sa Fire Exit para gumamit ng Hagdan. Mula sa 6th floor kung san nandun nandun ang unit ni Aby 
tinahak ni kring ang hagdan pababa ng 5th floor.

Mula 5th Floor laking Gulat at napahinto si Kring ng sumalubong sa kanya si Aby at paakyat ito ngunit ito ay nakayuko 
lang at parang nagmamadaling umakyat.

"Aby!!!" Sigaw ni Kring habang nakatingin kay Aby paakyat.

Ngunit hindi ito nilingon nung Aby na nakita niya..

Ibinalik ni kring ang lingon sa hagdan pababa ng 4th Floor.

Ngunit nagulat ito dahil nasa harap niya si Aby nakatayo, Nakayuko..

Napasandal si Kring sa pader sa sobrang Gulat at sobrang takot na takot.

Isang Bulong lang ang narinig niya kay Aby "Ikaw Ang May kasalanan ng lahat ng ito! Maghihiganti siya sayo! Papatayin 
niya tayong lahat" At muli itong tumakbo paakyat ng 6th floor.

Sa sobrang takot ni kring napaupo ito. at parang batang nag takip ng tenga dahil sa narinig niya.

Maya maya May narinig nanaman siyang nagsalita
Paglingon ni kring si Trixie ganun din ang sinabi pero sa pagkakataon na to. gumagapang ito paakyat ng 6th floor.
paulit ulit lang ang nangyayari Pagkatapos ni Aby si Trixie..
Dahil sa sobrang takot ni kring hindi niya namalayan na nahimatay na pala siya.
Nagising si Kring nasa kwarto na siya ng sa bahay nila nakahiga. Sa pagunat nito di niya namalayan na nasagi niya 
yung phone niya kaya bumagsak ito sa sahig ngunit di pa rin niya ito pinansin.
Hingal na hingal si Kring parang tumakbo sa isang marathon at pawis na pawis. Nagulat din siya sa Set up na bakit 
nandun na siya sa kwarto niya eh kanina nasa Condo lang siya ni Aby.
Hindi niya tuloy mawari kung Panaginip lang ba yung nangyari sa Condo ni Aby o baka panaginip ang nangyayari sa 
kanya ngayon na nasa bahay nila at nasa kwarto niya.
Napatingin si kring sa orasan na nakapatong sa desk niya kung saan nakalagay ito sa ibaba ng bintana ng kwarto niya. 
11:30 na ng gabi Tumayo siya sa pagkakahiga sa papag para magpunta sa C.R. Ngunit ng akmang tatayo na siya mula 
sa pagkakahiga. Naramdaman niyang di niya maigalaw ang buong katawan. naaninag nalang niya na may nakahawak 
sa dalawang kamay niya at dalawang paa niya dalawang babae duguan ang Itsura ngunit di masyado makita ang mga 
muka dahil ang mga buhok nila ay nakaharang sa kanilang mga muka.
Nagpumilit si kring sa pagpipiglas. Sumisigaw ito pero parang nabibingi siya dahil hindi niya marinig ang kanyang mga 
sigaw. Para siyang nabingi sa mga nangyayari. Sa pagkakahiga niya ng nakatihayanapansing siyang gumagalaw ang 
kisame na parang naging isang goma at ilang sandali lang ay bumakat sa kisame ang isang muka. Nagsisigaw si 
Kring pero ganun parin wala pa rin siyang naririnig.. Nang Biglang tumagos sa Kisame ang isang babaeng duguan at 
bumagsak ito sa kanya.
Nagising si Kring nasa kwarto na siya sa bahay nila nakahiga. Sa pagunat nito di niya namalayan na nasagi niya yung 
phone niya kaya bumagsak ito sa sahig ngunit di pa rin niya ito pinansin.
Hingal na hingal si Kring parang tumakbo sa isang marathon at pawis na pawis. Nagulat din siya sa Set up na bakit 
nandun nanaman siya sa kwaro niya nakahiga sa papag.
Hindi niya tuloy mawari kung Panaginip lang ba yung nangyari sa Condo ni Aby o baka panaginip ang nangyayari sa 
kanya kanina na nasa bahay nila at nasa kwarto niya.
Biglang nag ring ang phone ni kring umupo siya mula sa pagkakahiga may halong takot, pagkalito na ang kanyang 
nararamdaman para na siyang nasisiraan ng bait sa mga nangyayari sa kanya.
Tiningnan niya ang Phone niya na nasa lapag inaninag kung yun ba talaga ang tumutunog. Nakita niya ito umiilaw at 
nanginginig dahil sa vibration.
Agad niya itong kinuha at ng makita na si Klein ang tumatawag Agad niya ito sinagot.
"Hello! Klein Nasan ka!??" sigaw ni Kring. Ngunit walang sumasagot sa kabilang Linya..
Puro tunog lang ng walang signal ng radyo ang kanyang naririnig..
"Klein san ka?? Please sumagot ka?" Muling bigkas ng bibig ni Kring na nagmamakaawa na parang batang takot na takot..
Ng Biglang May sumigaw sa kabilang linya. sobrang tinis ng boses. Iknagulat ni kring ang kanyang narinig at dahil sa 
pagkakagulat naitapon niya ang cellphone niya at bumagsak ito sa sahig..
Nagising si Kring nasa kwarto na siya sa bahay nila nakahiga. Sa pagunat nito di niya namalayan na nasagi niya yung 
phone niya kaya bumagsak ito sa sahig ngunit di pa rin niya ito pinansin.
Hingal na hingal si Kring parang tumakbo sa isang marathon at pawis na pawis. Nagulat din siya sa Set up na bakit 
nandun nanaman siya sa kwaro niya nakahiga sa papag.
Agad siyang umupo kinuha ang nalalag na phone at tinawagan agad ang boyfriend niya si Klein.
Nag ring ang kabilang linya. May sumagot.
"Hello? Sinu ito" Tanong sa kabilang Linya. Babae ang nakasagot. Nagulat si Kring sa narinig.
"Girlfriend ni klein to sino ka?!!" Galit na pasabi ni kring.  
Biglang nagiba ang boses ng nagsasalita "hindi ka na makakaligtas. Nakatadhana na sayo. Mamatay silang lahat. At 
ang lahat ay dahil sayo. Ikaw ang may kasalan kung bakit sila namatay" ... 
Sa pagkakataong yon. natulala nalang si kring at tumulo ang mga luha..
Napasigaw nalang siya sa sobrang gulo na ng nangyayari sa buhay niya.
Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!




Pagkalito at Pagkatakot ang nanaig sa nararamdaman ni Kring dahil sa mga nangyayari. Ngunit hanggang kelan 
mangyayari ang mga gantong bagay. Kelan ito matatapos. Anu ba talaga ang Kinalaman ni Kring sa mga Nangyayari. 
Bakit tuluyan siyang sinusundan ng mga kaluluwa. Sa buhay ng tao may mga darating na di natin inaasahan may mga 
panahong makakaramdam tayo ng inggit at pagakalumbay. Minsan Mararamdaman din natin na parang magisa lang 
tayo sa mundo. Walang nakakaintindi. Walang gustong makipag kaibigan..

Sino pa ang Madadamay? Sino ba talaga si Kring? Bakit Siya Sinusundan ng mga kaluluwa at nagpaparamdam ito sa 
kanya? Bakit kelangan pang may mga mamatay at may madamay?

=========================================

Thanks for Reading my KALAMPAG SA PAPAG CHAPTER 10
Keep on reading guys.. salamat sa walang sawang pagsuporta sa ginagawa kong kwento.
Kahit na konti lang kayo at mga silent readers pa naapreciate ko yun!
I LOVE YOU ALL.